Pagbabawas ng physical distance ng mga commuters muling pag-uusapan ng IATF
- Published on September 16, 2020
- by @peoplesbalita
MULING pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isyu patungkol sa ipatutupad na sanang pagbabawas ng social distancing sa mga pampublikong sasakyan.
Bumuhos kasi ang pagpalag at pagtuligsa ng iba’t ibang sektor sa nasabing hakbang dahil na rin sa pangambang baka lalo pang kumalat ang virus.
Giit ni Sec. Roque, marunong naman silang makinig sa mga hinaing kaya’t bukas na bukas din ay tatalakayin nila sa IATF meeting ang isyu.
Araw ng Huwebes ayon kay Sec. Roque nang aprubahan ng Task Force ang panukalang itaas ang ridership sa mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagbabawas ng physical distance sa mga commuters.
Mula sa isang metro, ay magiging 0.75 meters o dalawang talampakan at limang pulgada na ang distansya ng bawat pasahero sa mga tren simula Lunes, September 14 sa LRT line 1, LRT line 2, MRT line 3, at PNR.
Samantala, todo-depensa naman ang Department of Transportation (DOTr) sa pagpapatupad ngayong araw ng reduced physical distancing sa mga public transport sa gitna ng hindi pa humuhupang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, nakabase sa siyensiya ang kanilang naging hakbang.
Ani Tuazon na ang pinagbasehan nila ay ang pag-aaral ng ibang eksperto, katulad ng International Union of Railways, kung saan lumalabas na hindi naman kailangan talagang ganun kalaki ang distansya para makaiwas sa virus.
Sa kanilang pag-aaral sinabi ng DOTr official na maaari pa rin bumaba ang transmission rate nang 94-95% kahit medyo dumikit ng konti ang mga pasahero basta’t sinusunod ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at ang regular disinfection.
Aniya pa, kung titignan ang mga datos ngayon, ang Pilipinas na lang ang nagpapatupad ng one-meter distancing sa mga railways sa buong mundo. (Daris Jose)
-
Pagbabago sa ‘flexible learning scheme’ kailangang maipatupad sa susunod na academic year
NAIS ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) na dapat maipatupad na sa susunod na academic year ang anumang pagbabago sa patakaran sa flexible o hybrid learning. Ito ay may kaugnayan sa kautusan ng Commission on Higher Education (CHED) para sa mga higher education institutions (HEIs) na magpatibay ng […]
-
CHR: ‘Wag magpakalat ng maling impormasyon
NANAWAGAN ang Commission on Human Rights sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon. Ginawa ng CHR ang pahayag makaraang lumabas ang sagot ng isang netizen laban sa umano’y mapanlinlang na post ng isang komedyante noong 2017. Nabatid na kumalat sa social media ang isang post na nagtatampok sa pahayag ng komedyanteng si […]
-
Silip sa dating PBA coach
NATATANDAAN pa po ninyo si Bill Bayno? Siya po ang kontrobersiyal na naging coach sa Philippine Basketball Association (PBA) sa Talk ‘N Text Phone Phone Pals (Talk ‘N Text Tropang Giga na ngayon) noong 2001-2002. Kontrobersiyal ang pananatili niya sa ‘Pinas dahil kinalaban siya at ang TNT ng Basketball Coaches Association […]