• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas manonood ng laban ng India at New Zealand sa FIBA World Cup Asian

MANONOOD na lamang muna ang Gilas Pilipinas sa laban ng India at New Zealand sa pagbubukas ngayong araw ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers Group A.

 

 

Ito ay matapos na umatras ang nakatakda sana nilang makakalaban na South Korea ng marami sa mga miyembro nila ang nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Ang dalawang koponan kasi ay makakalaban ng Gilas sa mga susunod na araw gaya ng India sa Pebrero 25 habang New Zealand sa Pebrero 27 dakong ala-siyete ng gabi.

 

 

Pinapangunahan ni NBA G League player Princepal Singh ang India.

 

 

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na hindi nagbabago ang kanilang intensity at focus ng laro kahit sinuman ang kanilang makakalaban dahil sa target nilang magwagi sa 2023 FIBA World Cup.

Other News
  • Dahil maraming umaasa at gustong matulungan: KAKAI, keber na kahit masabihan na mukhang pera

    SOBRANG saya ang pa-surprise bonding ni Ms. Rhea Anicoche-Tan kasama ang SPEEd officers and members last Friday, July 7, na kung saan nagpa-set up siya ng bonggang dinner na pang-presscon ang dami ng foods and desserts.     Hindi lang ‘yun at may set-up din ng pang-acoustic na puwedeng makipag-jamming. Kaya naman, isang tawag lang […]

  • Pinay tennis star Alex Eala nabigo sa opening game ng W25 Madrid

    Nabigo si Filipina tennis player Alex Eala sa unang round W25 Madrid.     Tinalo kasi siya ni Andrea Lazaro Garcia ng Spain 2-6, 6-4, 6-4.     Sa unang set ay hawak ng 16-anyos na world number 630 ang kalamangan hanggang nakabangon at umarangkada si Lazaro Garcia.     Unang nagwagi ang Rafa Nadal […]

  • Hindi na ‘pichi-pichi’ ang mga kalaban sa SEAG- Barrios

    NAKITA sa nakaraang 31st Southeast Asian Games na hindi na basta-basta ang mga kalaban ng Gilas Pilipinas.     Yumukod ang mga Pinoy cagers sa Indonesia, 81-85, sa gold medal round ng Vietnam SEA Games kung saan nagwakas ang 13 sunod na paghahari ng Pilipinas at ang 33 taong pagdomina sa biennial event.     […]