• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas nag start ng mag practice

Walang sinasayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na simulan ang ensayo nila kahit wala pang mga pangunahing manlalaro nila.

 

Ang nasabing ensayo ay bilang paghahanda ng ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa bansa.

 

Ayon kay Reyes na ginamit na lamang nito at sinanay ang ilang mga baguhan gaya nina Jerom Lastimosa, Mason Amos at Schonny Winston.

 

Nakasabay ng mga baguhang manlalaro si Gilas veteran JuneMar Fajardo.

 

Masyado pa maaga pa ngayon aniya kung mayroon na itong napipiling final 12 na isasabak sa nabanggit na torneo.

 

Makakalaban ng Gilas ang Jordan sa Pebrero 24 habang sa Pebrero 27 ay ang Lebanon na gaganapin ang mga ito Philippine Arena. (CARD)

Other News
  • Ads December 30, 2020

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 30) Story by Geraldine Monzon

    SA KAUNA-unahang pagkakataon ay nakausap ni Angela si Andrea sa cellphone nang i-dial ng huli ang numero ni Janine. Hindi maintindihan ni Angela kung bakit tila may kakaibang hatid sa kanya ang boses ni Andrea habang pinakikinggan niya ito. Pero naisip niya siguro ay na-miss lang niya ang tinig ni Janine kung kaya’t nasiyahan siyang […]

  • 1 patay, 14 sugatan sa banggaan ng 2 tren sa Germany

    PATAY ang isang katao at sugatan ang 14 na iba pa sa nangyaring banggaan ng dalawang pampasaherong tren sa Munich, Germany.     Naganap ang insidente sa S-Bahn urban rail station ng Ebenhausen-Schaeftlarn, southwest of Munich.     Base sa inisyal na imbestigasyon ay nadiskaril ang isang tren kaya ito bumangga sa kasalubong na pampasaherong […]