• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas nananatili sa ranked 34 sa FIBA World Ranking

Napanatili ng Gilas Pilipinas ang kanilang pang-34 na puwesto sa FIBA World Ranking.

 

 

Inilabas ng FIBA ang world rankings matapos ang matagumpay na panalo ng Gilas sa New Zealand 93-89 ganun din sa Hong Kong sa score na 93-54.

 

 

Dahil sa nasabing panalo ay tiyak na ang pagpasok nila sa FIBA Aisa Cup na gaganapin sa Jeddah Saudi Arabia.

 

 

Hindi rin gumalaw ang rankings ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia rankings kung saan sila ay nasa pang-pitong puwesto.

 

 

Nangunguna sa Asian rankings ang Australia, Japan, New Zealand, Iran, Lebanon at China.

 

 

Tanging umangat lamang sa FIBA WORLD rankings ay ang Qatar na nasa pang-92 na puwesto na ito.

 

 

Nananatili naman sa unang puwesto ang USA na sinundan ng Serbia, Germany, France at Canada.

Other News
  • Diokno, ipinagkibit-balikat ang panawagan na magbitiw sa puwesto, binati ang mga kritiko ng “Have a wonderful weekend!”

    IPINAGKIBIT- balikat lang ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno ang panawagan ng grupo ng mga magsasaka na magbitiw sila sa puwesto ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.    Ang apela ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ay matapos na ipanukala nina Diokno at Balisacan na tapyasan ang tariff rate sa rice imports […]

  • Kaso ng pertussis, tigdas lumobo – DOH

    HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna matapos ang biglang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng pertussis o ubong dalahit at measles o tigdas sa bansa.     Sa datos ng DOH, sa unang 10-linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitatalang mga kaso ng pertussis.   […]

  • Pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa evacuation centers

    Posibleng dahil sa mga evacuation centers kaya bahagyang tumaas ang kaso ng may COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.   Binanggit ni Duque ang nagdaang dalawang malakas na bagyo na naging dahilan para mapuno ang mga evacuation centers.   “Well, tama po kayo, iyong pagtaas ay puwedeng ma-attribute natin iyan o ang kadahilanan […]