• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas nangangalabaw ‘Calambubble’ training camp

MARIING tinapakan na ng Gilas Pilipinas o national men’s basketball training pool ang silinyador sa pag-eensayo sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna nitong Lunes, Pebrero 8 ngayong wala ng isang linggo bago umalis sa darating na Lunes, Peb. 15.

 

 

Kaugnay ito sa sasabakan ng PH quintet na third and final window ng 30th International Basketball Federation (FIBA) 2021 Asia Cup qualifiers sa Peb.18-22 sa Al-Gharafa Sports Club Multi-Purpose Hall sa Doha, Qatar.

 

 

Sinagip ng Qataris ang hosting na kinansela ng Pilipinas dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic na dapat sana ay sa Peb. 17-22  ang talbog sa Clark bubble rin sa Angeles, Pampanga.

 

 

Isasalang na rin ng bagong punong abalang Arabong bansa  bukod sa Group A games na kinabibilangan ng ‘Pinas, ang mga aksiyon para sa Groups B at E.

 

 

Aminado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, Incorporated (SBPI) na nalungkot ang PH 5 sa pagkakalipat ng mga laro sa Gitnang Silangan mula sa Perlas ng Silanganan, pero hindi tumutukod sa ensayo sapul nang pumutok ang balita para sa bagong lugar na pagdarausan ng torneo.

 

 

“Our national team was saddened when they found out they won’t be playing in Clark. But they did not slow down with their preparations,” ani SBPI president Alfredo Panlilio. “Now with the pool nearing completion and a definite location for their games, the SBP is confident they will step up into another gear.”

 

 

Nasa unang linggo na ng two-week quarantine niya  si Kai Zachary Sotto bago makasama sa pool dahil galling siya ng Estados Unidos.

 

 

Hinirit ng opisyal na nakikipag-ugnayan pa rin ang SBP sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases (EID) kung paano ang biyahe papunta ng Qatar at pauwi ng Maynila.

 

 

Minamanduhan nina coach Joseph Enrique Uichico at assistant coaches Norman Black at Carlos, Garcia, malamang manguna sa 12man team sina Cchristian Jaymar Perez, Roger Ray, Pogoy, Jeth Troy Rosario, Kiefer Isaac  Ravena, Justin Chua, at Raoul Soyud, at naturalized player candidate Angelo Kouame .

 

 

Mula sa pitak na ito (Opensa Depensa), good luck na lang sa ating Gilas. (REC)

Other News
  • Ads June 20, 2022

  • UN pinaghahanda ang mundo sa El Niño, bagong heat records

    NAGBABALA ang United Nations (UN) tungkol sa lumalaking posibilidad na magkaroon ng bagong heat records dahil sa weather phenomenon na El Niño na mararanasan sa mga susunod na buwan.     Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng World Meteorological Organization ng UN ang 60% na posibilidad na ang El Niño ay mag-develop sa katapusan […]

  • Tricycle driver sinaksak ng nakaaway sa birthday party

    NASA kritikal na kalagayan ang isang tricycle driver matapos saksakin ng kanyang nakaaway sa isang inuman sa birthday party sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.   Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Mark Joseph De Guzman, 33, ng 10 Nadala, Merville Subd. Brgy. Dampalit.   Pinaghahanap […]