• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas nasa unang puwesto na matapos ma-sweep ang Thailand

Nasa unang puwesto na sa Group A ng FIBA Asia Cup ang Gilas Pilipinas matapos talunin ang Thailand, 93-69.

 

Mayroon na kasing tatlong panalo at wala pang talo ang Gilas.

 

Sa simula pa lamang ng laro ay umarangkada na ang national players ng bansa sa laro na ginanap sa Manama, Bahrain.

 

Hindi pinayagan pa ng Gilas na makalamang pa ang Thailand.

 

Napababa pa ng Thailand ang kalamangan sa 14 points subalit hindi pa rin nawala ang pagiging agresibo ng Gilas.

 

Bumida sa panalo ng national team si Javi Gomez de Liano na nagtala ng 19 points, habang ang kapatid nitong si Juan ay mayroong 14 points.

 

Sinabi ni Gilas coach Jong Uichico, ayaw niyang maging kampante ang Gilas dahil sa tinambakan nila ang Thailand sa unang laro nila noong nakaraang Linggo.

 

Nitong nakalipas din na Sabado, inilampaso din ng Indonesia ang Thailand.

 

Samantala ang next window ng qualifiers ay sa Pebrero na ng sunod na taon at posibleng ilang PBA players na ang makasama sa team.

Other News
  • Ads September 8, 2022

  • CLAUDINE, mas masarap nang katrabaho: MARK ANTHONY, nag-enjoy at na-challenge sa role na pinagawa sa kanya ni Direk JOEL

    MASAYA si Mark Anthony Fernandez na muli silang nagkatrabaho ng ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto sa suspense thriller na Deception.     Halos mahigit isang dekada mula nang magtambal sa GMA drama series titled Claudine si Mark at ang dating kasintahan.     Sabi ni Mark na mas masarap katrabaho si Claudine ngayon dahil mas […]

  • Mahigpit 40 Filipino, inilikas mula Kyiv, Ukraine; naghihintay na makauwi ng Pinas —DFA

    MAHIGIT sa 40 Filipino ang inilikas mula Kyiv at dinala sa  lungsod ng  Lviv sa Ukraine at naghihintay ngayon na makauwi ng Pilipinas sa gitna ng pagsalakay ng Russia.     Ayon sa tweet ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Ysmael Arriola, tinanggap ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz sa  Lviv […]