• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas pamatayang 3 sentro – Fajardo

MAGIGING astig ang gitna ng Gilas Pilipinas para sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga iho-host ng bansa sa pamamagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas,  Japan at Indonesia.

 

 

Ito ang nakikita ni veteran internationalist June Mar Fajardo dahil sa trio center ng national men’s basketball team para sa quadrennial hoopfest.

 

 

Pinatutumbukan niya sina National Basketball League (Australia)-bound 7-foot-3 Kai Zachary Sotto, newly-naturalized 6-10 Kakou Ange Franck Williams ‘Angelo’ Kouame at US National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division 1 school (Toledo) at dating Batang Gilas member 6-10 Ariel John ‘AJ’ Edu.

 

 

“Malakas ang tatlong  iyan,” wika ng six-time Philippine Basketball Association Most Valuable Player na naglalaro sa San Miguel Beer sa 2OT podcast nitong isang araw.

 

 

Kinukunsidera pa rin ng SBP ang 31-anyos at 6-10 na sentro buhat sa Cebu na sumabak sa Pinoy quintet sa World Cup, pero iyon aniya ay depende na lang sa kanyang kalagayan kapag dumating ang nasabing panahon.

 

 

“Maglalaro ako kasi makaling karangalan, pero depende kung ano ang takbo ng panahon. At kung puwede pa naman akong maglaro,” wakas na wika ni ‘The Kraken’ na beterano na ng dalawang World Cup noong 2014 sa Spain at 2019 sa China. (REC)

Other News
  • Ads February 2, 2023

  • Bakunahan sa edad 5-11, inatras sa Pebrero 7

    INIURONG ng Department of Health (DOH) ang petsa ng bakunahan para sa batang nasa 5-11 age group dahil sa logistical issue.     “The roll out for vaccinating children aged 5-11 years old will be postponed for a few days due to logistical challenges,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.     Sa halip […]

  • Wonka’ Emerges as Christmas Winner, Crosses $100M in U.S. as ‘Aquaman 2’ Drowns

    Timothée Chalamet’s Wonka has emerged as this year’s Christmas box office winner, while DC superhero pic Aquaman and the Lost Kingdom drowns.     Overall, this holiday season isn’t so joyous for Hollywood studios and theater owners. Case in point: Wednesday revenue was down 52 percent from the same Wednesday in 2019, the last year […]