Gilas Pilipinas target pa rin na makuha si Kai Sotto sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Published on October 25, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng Gilas Pilipinas na makasama si Kai Sotto para sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, na nakikipag-ugnayan na ang Samahang Basketball sa Pilipinas (SBP) sa Basketball Australia para hiramin si Sotto.
Nasa ikalawang taon na kasi si Sotto sa Adelaide 36ers sa Australian National Basketball League kung saan siya ang maaaring makatulong sa Gilas dahil sa kawalan ni June Mar Fajardo bunsod ng injury.
Ang Gilas ngayon ay mayroong tatlong panalo at tatlong talo na unang makakaharap nila ang Jordan sa Amman sa darating na Nobyembre 10 habang makakaharap ang Saudi Arabia sa darating na Nobyembre 13 .
Nakatakdang bumiyahe ang national basketball team ng bansa sa Jordan sa darating na Nobyembre 7.
-
Jesus; John 19:27
Your mother.
-
Mahigit 200K job opportunities, nabuksan dahil sa pagbyahe ni PBBM sa ibang bansa
TINATAYANG umabot na sa 200,000 job opportunities ang inialok ng gobyerno sa mga Filipino dahil sa mga official foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa last quarter ng 2022 hanggang 2023. Ito ang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI). Tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang data […]
-
PH rescue team na ipinadala sa Turkey, binigyan ng ‘heroes welcome’ sa muling pagbabalik sa bansa
BINIGYAN ng isang “heroes welcome” ang Philippine contingent na ipinadala sa Turkey para tumulong sa disaster response sa mga biktima ng malakas na lindol doon. Kasabay ito ng muling pagbabalik sa Pilipinas ng 82 miyembro ng search and rescue team na ipinadala ng pamahalaan sa nasabing bansa para sa isang mahalagang misyon. […]