Gilas Pilipinas tututok na sa FIBA Asia Cup
- Published on July 6, 2022
- by @peoplesbalita
SESENTRO na ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup na aarangkada sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Jakarta, Indonesia.
Magarbong tinapos ng Pinoy squad ang third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan pinataob nito ang India sa iskor na 79-63.
Kaya naman lilipat na ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup at inaasahang madaragdagan pa ang pool sa mga susunod na araw.
Tila malabo nang makapaglaro si Kai Sotto sa koponan dahil wala pa itong kumpirmasyon kung babalik ito sa Pilipinas para makasama ang Gilas squad.
Ayon kay Gilas Pilipinas program director Chot Reyes, hindi sumasagot ang East West Private –ang humahawak sa basketball career ni Sotto –sa komunikasyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
“We’re still hoping, but to be very honest, medyo malabo,” ani Reyes.
Dahil dito, ilang key players ang mapapasama sa lineup.
Ilan sa nais ni Gilas Pilipinas head coach Nenad Vucinic na madagdag sina Thirdy Ravena at Bobby Ray Parks Jr. na parehong naglaro sa Japan B.League.
“We are in a situation that we are playing unbalanced as a team. We don’t really have enough size, enough big guys that we can rotate. We are pla-ying William Navarro out of position as a big guy so it is difficult because of the composition of the team,” ani Vucinic.
Pinag-aaralan pang mahugot sina Poy Erram at Kelly Williams ng Talk ’N Text, at Gilas draftee Justin Arana ng Converge.
Ang tatlo ay naglalaro sa kani-kanyang mother team sa ginaganap na PBA Philippine Cup.
Sa FIBA Asia Cup, nasa Pool D ang Pilipinas kasama ang New Zealand, Lebanon at India.
-
Vaccination stickers sa mga bahay, suportado ng DOH
Suportado ng Department of Health (DOH) ang istratehiya ng ilang lokal na pamahalaan na kabitan ng ‘vaccination stickers’ ang mga bahay o establisimiyento na ang mga nakatira ay mga ‘fully-vaccinated’ na kontra sa COVID-19. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kung isa ito sa istratehiya ng mga lokal na pamahalaan na […]
-
SUE at MARIS, sumabog ang galit sa ginawang pambababoy sa kanila; ABS-CBN, kinondena ang pagpapakalat ng fake nude photo
NAGLABAS na ang ABS-CBN at Star Magic ng official statement regarding sa fake nude photo nina Sue Ramirez at Maris Racal na patuloy na nagsi-circulate online. Narito ang full statement ng Kapamilya Network: “It has come to our attention that maliciously edited images of our talents, Sue Ramirez and Maris Racal, have been circulating online. […]
-
Regional airports, dapat ng gamitin- PBBM
DAPAT nang gamitin ang mga paliparan na matatagpuan sa ibang rehiyon. “Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, habang hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan, ‘yung airport sa Sangley, ito ‘yung mga proposal ngayon eh. Kailangan natin buksan ang mga airport sa regional,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., […]