• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas ‘Pinas ni Dickel, ‘di mababalasa – SBP

MAAARING ang komposisyon ng Gilas Pilipinas na naglaro kontra Indonesia ang gagamitin din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kapag natuloy na ang na-postpone na game kontra Thailand.

 

Itataguyod dapat ng mga Pinoy ang Thais sa Araneta Coliseum noong Pebrero 20 sa first window ng 2021 FIBA (International Basketball Federation) Asia Cup. Pero kinansela ng world governing body dahil sa outbreak nang nakamamatay na COVID-19 ng China.

 

Isinagawa ang laro sa Jakarta noong Linggo, Pebrero 23 at dinurog ng ‘Pinas ang Indonesia 100-70.
Hindi pa nagbibigay ng abiso ang FIBA kung kailan itutuloy ang Thailand game ng national men’s cage team.

 

Tinatayang si Mark Dickel pa rin ang mamando sa Gilas kontra Thai. Ninombrahan ng SBP si Dickel bilang interim coach ng national team. Kasalukuyan din siyang active consultant ng Talk ‘N Text sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

Bumuo sa PH 5 lineup sa first window ng Asia Cup qualifiers ang pitong PBA player at limang amateur.

 

Sila ay sina skipper Kiefer Isaac Ravena, John Paul Erram, Jeth Troy Rosario, Roger Ray Pogoy, Christian Jaymar Perez, Abu Tratter at Justin Chua mula sa professional cage league, at sina Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, Isaac Go, Matt Nieto, Juan Gomez De Liano at Dwight Ramos.

 

Posibleng ito na rin ang sumagupa laban sa Thai.

 

“I believe so,” pahayag ni Dickel sa komposisyon ng koponan. “Obviously, that depends on when the game is. Right now, I would imagine so.”

 

Si Thirdy ang sinasabing bumalikat sa Gilas sa kinayod na 23 point, 8 rebound, 3 assist at 2 block. Nagsumite si Pogoy ng 16 point mula sa limang tres, may 11 si Perez at tig-10 sina Kiefer at Gomez De Liano.

Other News
  • NCR nasa COVID-19 Alert Level 4 na

    Isinailalim sa CO­VID-19 Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR), maliban na lamang sa lungsod ng Maynila, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit at hospitalisasyon sa rehiyon.     “All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4. The Delta variant of concern […]

  • Kapitbisig sa Pag-unlad MPC, naiuwi ang Cooperative Awards for Continuing Excellence sa GGK 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa lahat ng natatanging mga kooperatiba sa lalawigan, naiuwi ng Kapitbisig sa Pag-unlad MPC mula sa bayan ng Pandi ang pinakamataas na parangal na Cooperative Awards for Continuing Excellence sa isinagawang Gawad Galing Kooperatiba 2022 sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng […]

  • Paniniwala ni Sec. Concepcion, puwede nang hindi magpatupad ng Alert Level system pagdating ng Marso o Abril

    NANINIWALA si Presidential Adviser on Entrepenurship Joey Concepcion na makakaya na ng gobyerno na hindi na magpatupad pa ng alert level system pagsapit ng Marso o Abril.     Sinabi ni Concepcion na nasanay na kasi aniya ang mga tao sa mga ipinatutupad na health safety protocol sa nakalipas na 22 buwan.     Sa […]