• April 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas reresbak sa Saudi

IBUBUHOS na ng Gilas Pilipinas ang lahat upang masikwat ang panalo laban sa Saudi Arabia sa pagpapatuloy ng fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Saudi sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang daragsain ang venue upang suportahan ang Pinoy cagers sa laban nito.

 

 

Inaabangan na ng lahat ang debut ni NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz sa harap ng mga Pinoy fans.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro si Clarkson sa Maynila kaya’t excited na rin ang Filipino-American cager na maramdaman ang init ng suporta ng mga Pilipino.

 

 

Bago ang laro, bumisita pa si Clarkson sa Tenement Basketball Court sa Taguig para masilayan ang mga fans nito doon kahapon.

 

 

Makakasama ni Clarkson si 7-foot-3 center Kai Sotto ng Adelaide 36ers na bumiyahe pa mula sa Adelaide, Australia para makasama ang Gilas Pilipinas sa fourth window.

 

 

Lamang ang Gilas Pilipinas sa Saudi kung height at talento ang pag-uusapan.

 

 

Nariyan din sina reig­ning PBA MVP Scottie Thompason, Japeth Aguilar at Dwight Ramos na may pinakamataas na efficiency rating sa kanilang huling laro.

 

 

Desidido ang Gilas Pilipinas na makabawi mula sa masaklap na 81-85 kabiguan sa kamay ng Le­banon noong Biyernes sa Beirut, Lebanon.

 

 

Kaya naman ilalabas ng Gilas Pilipinas ang lahat para makabalik sa porma ang tropa at mabigyan ng magandang laro ang mga Pinoy fans.

 

 

Laban sa Lebanon, humataw si Clarkson ng 27 puntos habang nakalikom naman si Ramos ng 18 puntos mula sa 5-of-11 field goal shooting.

 

 

Mawawala naman sa lineup ng Gilas si Carl Tamayo na bumalik na sa kampo nito sa University of the Philippines.

 

 

Nakatakdang tumulak ang Fighting Maroons sa South Korea para sumalang sa ilang tuneup games laban sa mga koponan ng Korean Basketball League (KBL) bilang paghahanda sa UAAP Season 85 title defense ng UP.

 

 

Papalitan ni Roosevelt Adams si Tamayo sa lineup.

 

 

Nagsilbing reserve lamang si Adams sa laban ng Pilipinas at Lebanon.

Other News
  • Halos P1.5M shabu nasamsam sa 6 na miyembro ng “Onie Drug Group”

    NASAMSAM sa anim na miyembro ng umano’y notoryus na “Onie Drug Group” na nag-ooperate sa northern area ng Metro Manila at Bulacan ang halos P1.5 milyon halaga ng shabu matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city at San Jose Del Monte (SJDM) city, Bulacan.   Ayon kay […]

  • Carlos Yulo itinuring na ‘most bemedalled athlete’ sa SEA Games

    NGAYON pa lamang itinuturing na most bemedalled athlete na ang Pinoy Olympian at dating world champion gymnast na si Carlos Edriel Yulo sa nagpapatuloy na SEA Games doon sa Hanoi, Vietnam.     Liban kasi sa limang gold medals, meron pa siyang dalawang silver medals sa team at at parallel bars.     Sa mga […]

  • MGA OPISYAL NAG-INSPEKSYON SA PALENGKE PARA TIYAKIN ANG PAGSUNOD SA EO 39

    NAG-IKOT sa NEPA Q Mart si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Benhur Abalos Jr. upang mag-inspekyon kaugnay sa unang araw ng pagpapatupad ng Executive Order Number 39 o ang kautusang nagtatakda ng price ceiling sa bigas. Matatandaan na inilabas ang EO 39 bunsod na rin ng napipintong kakapusan sa suplay ng bigas […]