• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas tutok na sa Saudi

SESENTRO  na ang a­ten­siyon ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa Saudi Arabia ngayong gabi sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa King Abdullah Sports City sa Jeddah, Saudi Arabia.
Maghaharap ang Pilipinas at Saudi Arabia sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng madaling-araw sa Maynila) kung saan target ng Gilas Pilipinas na walisin ang dalawang misyon nito sa Middle East.
Una na nitong pinataob ang Jordan sa pamamagitan ng 74-66 panalo noong Biyernes para umangat ang rekord ng Pilipinas sa 4-3 marka.
Umaasa ang Gilas na muli itong maglalatag ng solidong laro gaya ng ginawa nito sa Jordan.
Pangunahing naging armas ng Pinoy cagers ang solidong depensa na siyang naging daan para masawata ang Jordan partikular na ang main player nitong si naturalized Dar Tucker.
Kaya naman masa­yang tumulak patungong Saudi Arabia ang Gilas.
“We just had fun. It was just selfless basketball. No one really cared who scored,” ani Kai Sotto na siyang naging top scorer ng GiIas kontra sa Jordan.
Umaasa ang Pinoy squad na mauulit nito ang 84-46 demolisyon nito sa Saudi Arabia noong Agosto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“Malaking bagay sa amin ‘tong panalo na ito coming to Saudi, at least yung confidence namin mataas. Syempre home court nila, so sana mas mahigitan pa namin yung energy namin sa Saudi kasi malaking bagay din yun for us,” ani reigning PBA MVP Scottie Thompson.
Subalit mataas din ang moral ng Saudi na galing sa impresibong 85-54 pagbomba sa India noon ding Biyernes.
Other News
  • Lacson, Sotto, Magalong nagsanib vs hacking

    Dahil sa lumalalang problema sa cybersecurity at hacking, binigyang-tuon ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente Tito Sotto III, kasama ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paghahanap ng solusyon sa isyung ito na nambibiktima lalo na sa mga overseas Filipino worker.     […]

  • DOH: Na-maximize namin ang 2-week MECQ para sa ‘recalibration’ ng strategies vs COVID-19

    Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na nasulit nila ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) dito sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan, para mapunan ang ilang kakulangan sa responde ng bansa sa pandemic na COVID-19.   Pahayag ito ng DOH kasabay nang pagbabalik sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) […]

  • DepEd employees, pinasalamatan ni VP Sara sa pagseserbisyo sa kabataan

    PINASALAMATAN  ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga tauhan ng Department of Education (DepEd) dahil sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa pagseserbisyo sa mga kabataang Pinoy.     Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na mala­king pasasalamat niya sa mga tauhan ng DepEd sa patuloy na pagtatrabaho kahit na may banta pa […]