• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginanap sa Berkshire, England, United Kingdom: LOVI, kinasal na sa long-time boyfriend na si MONTY

KINASAL na si Lovi Poe sa kanyang long-time British boyfriend na si Montgomery “Monty” Blencowe noong August 26 sa Berkshire, England, United Kingdom.

 

 

 

Isang romantic garden ang setting ng wedding nila Lovi at Monty na ginawa sa Cliveden House, isang storied landmark built in 1666 by the second Duke of Buckingham.

 

 

 

Suot ni Lovi ay backless long-sleeve ivory wedding gown by Patricia Santos. Ang celebrity make-up artist na si Robby Piñera ang nag-create ng simpleng look ng aktres.

 

 

 

Naglakad si Lovi sa aisle sa instrumental rendition ng song ni Ogie Alcasid na “Pangarap Ko ang Ibigin Ka.”

 

 

 

Ilan sa namataang um-attend sa intimate wedding ay ang half-sister ni Lovi na Senator Grace Poe, ang pamangkin na si Brian Poe Llamanzares, celebrity doctors Vicki Belo and Hayden Kho, Bela Padilla, Rhian Ramos, eventologist Tim Yap. and producer-talent manager Leo Dominguez.

 

 

 

Both Lovi and Monty announced their engagement on social media last August 8.

 

 

 

Isang long-distance relationship meron sina Lovi at Monty. Habang nasa Manila si Lovi at nagtatrabaho sa ilang projects on TV and film, si Monty naman ay naka-base sa Los Angeles, California kunsaan isa itong film producer.

 

 

 

Taong 2017 noong unang mag-meet sina Lovi at Monty at 2019 naman noong i-post ni Lovi ang dating photos nila sa Banc of California Stadium, sa prestigious Royal Ascot in England at ang vacation nila sa Davao City.

 

 

 

Noong 2021 pa na-engage ang dalawa at sinekreto nila ito bago nila i-announce officially noong nakaraang August 8 lamang.

 

 

 

***

 

 

 

AFTER ng kanyang short-lived romance with Gigi Hadid, may bagong dine-date si Leonardo DiCaprio na 25-year old model named Vittoria Ceretti.

 

 

 

Nakita ang dalawa na bumibili ng ice coffee at ice cream sa Santa Barbara, California. Naka-baseball cap, white shirt at cargo shorts si Leo samantalang naka-long-sleeved white shirt and black athletic shorts si Vittoria.

 

 

 

Huling nakita si Leo with Gigi ay noong nakaraang July lamang sa Hamptons. Kaibigan naman ni Gigi ang dine-date ngayon ni Leo na si Vittoria.

 

 

 

Italian model si Vittoria na na-discover noong 2012 through the Elite Model Look Model contest.

 

 

 

Kinasal si Vittoria sa DJ na si Matteo Milleri noong 2020. Pero naghiwalay sila noong nakaraang June at meron silang pending divorce.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Nilinaw na walang naging problema sa billing: BIANCA, na-starstruck kay NORA at blessing na makasama sa movie

    SA Facebook, ibinahagi ng VIVA Films ang poster ng pelikulang ‘Mananambal’ (The Healer), na kung saan tampok ang National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor na nasa gitna ng banner. Nakasuot siya ng floral-patterned top, punum-puno ng emosyon ang kanyang mukha habang hawak na isang bote ng elixir at may […]

  • Isa sa tatlong stories na pini-pitch sa producers: JOROSS, gustong mai-direk sina ANGEL, BEA at JUDY ANN

    PAGKATAPOS na makilala bilang aktor, gusto naman ngayon ni Joross Gamboa na makilala bilang direktor.   May tatlong stories na ipi-pitch si Joross sa ilang producers na dasal niya ay mabigyan ng chance na magawa.     “Gusto ko, ‘yung idi-direct ko, ako rin ang magsusulat. One is a sports comedy with a twist. Magugustuhan […]

  • D.O.T.S. nina DINGDONG at JENNYLYN, kauna-unahang GMA show na i-stream sa Netflix

    TIYAK na masaya ang mga netizens na sumusubaybay sa biggest Philippine adaptation ng Korean Drama na Descendants of the Sun sa kabila ng pandemic na nararanasan natin ngayon dahil sa magandang balitang natanggap nila mula sa GMA Network.   Dahil mapapanood na ang 65 episodes sa Netflix simula sa November 13.   Ang DOTS PH […]