• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GINANG BINARIL NG ISANG PULID SA KYUSI PATAY

PATAY ang isang ginang matapos na barilin ng isang galit-na galit na pulis sa may Commonwealth QC gabi ng Lunes Mayo 31. Kinilala ang biktima na si Lilybeth Valdez habang ang suspek na pulis ay kinilalang sia P.Master Sgt. Hensy Sinampan nakatalaga sa Kampo Crame sa PSPG. Sa panayan ng anak ni Valdez sa isang himpilan ng radyo sa DzBB ay sinabi nito na ang simula ng galit ng pulis ay dahil sa noong May 1 ay nagkaroon ng alitan ang kanyang kapatid na lalaki na humatong umano sa suntukan.

 

 

Sa di malaman na dahilan ay pinagbalingan ng pulis ang nanay nila nang makita ito na bumibili sa isang sari-sari store. Ayon sa anak ng biktima ay nakunan pa ng video ito at sa naturang video umano ay nakita na nilapitan ni Sinampan si Valdez at sinabunutan hanggang sa paputukan ito ng pulis sa may leeg nito.

 

 

 

Ayon namna kay QCPD Staion-5 commander P.Lt./Col Melchor Rosales ay naaresto na nila ang naturang pulis ay nakapiit ngayon sa Kampo Karingal. Samanta ayon kay Chief PNP Guilllermo Eleazar ay ito ang dahilan sa paghihigpit niya sa recruitment at mga pulis upang  maiwasan ang mga ganitong pangyayari . Galit at dismayado rin si Eleazar sa pamamaril ng naturang pulis  (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Loan requirements para sa PUV modernization, dapat gawing simple

    HINDI dapat pahirapan pa ng gobyerno ang mga naghihira na public utility vehicle (PUV) drivers at operators na gustong makiisa sa PUV modernization program ng pamahalaan.     Ipinunto ito ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee kasabay nang panawagan nito sa Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), at iba […]

  • DepEd hinimok na magpatupad ng 2-week health break para sa mga guro

    Hinimok ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd) na tiyaking laging naka-monitor sa kalusugan ng mga guro.     Ayon kay Castro, base sa survey na isinagawa ng Alliance of Concerned Teachers -NCR, lumalabas na 55.3 percent ng mga teacher-respondents ang mayroong flu-like symptoms.     Nakakaalarma aniya ang dami […]

  • 7 MILYON DEACTIVATED NA BOTANTE, PINAPAREHISTRO SA COMELEC PPCRV

    HINIMOK ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na deactivated na ang kanilang voters registration na muling magpatala sa Commission on Elections (Comelec).   Partikular na hinikayat ng PPCRV  ang mga hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan lumipat ng tirahan nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na […]