Ginang, mister huli sa aktong nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela
- Published on June 10, 2022
- by @peoplesbalita
SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang ginang matapos maaktuhan nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 commander PLt. Armando Delima ang mga nadakip bilang sina Angeline Timosan, 53, at Rolando Tesorero, 54, construction worker at kapwa ng I. Marcelo St. Brgy. Malanday.
Sa imbestigasyon ni PCpl Glenn De Chavez, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation (Oplan Galugad) ang mga tauhan ng SS6 sa pangunguna ni PLt. Delima dakong alas-11 ng gabi nang maaktuhan ni PSMS Roberto Santillan si Timosan na may iniabot kay Tesorero na isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Alley corner I. Marcelo St., Brgy. Malanday.
Nilapitan ni PSMS Santillan at Pat. Ronnie Sandoval ang mga suspek saka inaresto kung saan narekober sa kanila ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P2, 040 ang halaga, isang folded aluminum foil na naglalaman ng hinihinalang shabu, P200 cash, coin purse at ID.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
SENIOR CITIZENS ID para sa PUBLIC TRANSPORTATION
UMIIRAL pa rin ang 20 per cent discount sa public transport kahit na may 70 per cent maximum limit sa passenger capacity. May ilang senior citizen na pasahero na taga QC ang nagtatanong kung kikilalanin ng mga driver at konduktor ang bagong labas na QC card. Bakit hindi? Nakalagay naman doon ang petsa ng kapanganakan […]
-
Liquor ban inalis na sa Navotas
Inalis na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ipinatupad nitong liquor ban kaugnay ng magiging bilang ng mga kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan. Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-07 na pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco, pinawalang-bisa na ang pagbabawal sa pagbili o pagbenta ng alak o inuming nakalalasing sa lungsod simula […]
-
Tiyak na isa siya sa mag-i-spoil sa unang apo: VILMA, excited na sa pagdating ni Baby Peanut at kung gaano kadalas mahihiram
HINDI mo masisisi si Ms. Vilma Santos-Recto na magiging first time lola. Excited na kasi siya sa nalalapit na pagsisilang ng manugang na si Jessy Mendiola sa Baby Peanut nila ng husband nitong si Luis Manzano. At sabi nga niya sa kanyang vlog sa YouTube na may 400K followers na, “gaano ko kaya kadalas mahihiram ang aking apo?” […]