• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GINANG, NADAGANAN NG BAKAL NA POSTE, PATAY

NASAWI ang isang 53-anyos na ginang nang madaganan ng isang bakal na poste nang natumba matapos na nabangga ng isang dump truck sa Tanza, Cavite Huwebes ng hapon.

 

 

Isinugod pa sa Manas Hospital ang biktimang si  Ma.Fe Gutierrez Nazareno, may-asawa, isang Food handler ng Concepcion Brgy. Timalan, Naic, Cavite subalit idineklarang dead on arrival.

 

 

Bukod kay Nazareno, isang aluminum van at isang motorsiklo ang nabangga rin ng dump truck na minamaneho ni Mhar Garcia Amparo, 26,  ng Brgy Sahud Ulan , Tanza, cavite na nasa kustodiya na ng pulisya.

 

 

Sa ulat ni PSSgt Jonathan Lagario ng Tanza Police Station, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente kung saan nakatayo ang biktima habang naghihintay ng pampasaherong jeep sa A. Soriano Highway, Brgy Sahud Ulan, Tanza, Cavite nang nabagsakan ng isang bakal na poste nang  nabangga ng isang dump truck na minamaneho ni Amparo matapos na umano’y  nawalan ng kontrol sa kanyang manibela.

 

 

Bukod kay Nazareno, nabatid na isang aluminum van at isang  motorsiklo ang nabangga rin ng dump truck ni Amparo. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Nag-trending matapos hiritan ng contestant: MARIAN, pinuri ni DINGDONG sa natural na talento sa pagpapasaya

    NAG-trending sa X (dating Twitter) si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil sa isang male contestant ng Century Tuna Superbods na kung saan isa ang aktres sa mga hurado.       Kumalat nga ang video ng Q&A portion kung saan tinatanong ni Marian ang finalist na si Jether Palomo.       Ang tanong […]

  • TO CELEBRATE PETS DAY, SONY PICTURES LAUNCHES “MONSTER PETS” SHORT FOR “HOTEL TRANSYLVANIA: TRANSFORMANIA”

    IN the short film, Monster Pets, Drac’s lovable, monster-sized puppy, Tinkles, has more energy than ever and just wants to play ball! Unfortunately, Drac is too busy juggling his duties at the hotel, so he is determined to find a monster pet companion for his huge furry friend. After a series of mismatches, Drac’s plan goes […]

  • 10-M subscriber: Ivana, ‘timeout’ sa sexy image nang mamigay ng Christmas package

    Tila ginulat ni Ivana Alawi ang publiko kahit ‘yaong mga fans niya matapos ang pansamantalang pag-awat sa kanyang sexy image.   Ito’y matapos mag-celebrate sa pamamagitan ng pamamahagi ng ayuda sa mga kapus-palad, mahigit isang buwan mula nang makahakot ng 10 million subscriber sa kanyang YouTube channel.   Taliwas kasi sa nakagawiang pagsusuot ng mga […]