Ginawa ang lahat para maisalba ang relasyon: ALJUR, umamin sa vlog ni TONI na nagkasala kay KYLIE
- Published on April 5, 2023
- by @peoplesbalita
BONGGA si Toni Gonzaga dahil sa vlog niya ay umamin si Aljur Abrenica na nagkasala siya kay Kylie Padilla.
At ito ang dahilan kaya nagwakas ang kanilang relasyon.
“Yeah, totoo naman, totoo naman yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yon, may pagkakamali ako,” pagbabahagi ni Aljur.
Ayon pa kay Aljur ay ginawa naman niya ang lahat para maisalba ang kanilang relasyon.
“Mare-realize mo na I have to accept kasi hindi na talaga. Kasi ginawa ko na lahat. At siya rin [Kylie], ginawa niya rin lahat, in fairness,” sinabi pa rin ni Aljur.
Mutual raw ang kanilang desisyon ni Kylie na maghiwalay.
Rebelasyon pa rin ni Aljur, mahal pa rin daw niya si Kylie, pero mas makabubuti raw na itaguyod na lang nila separately ang kanilang mga anak, na sinang-ayunan din naman ni Kylie.
Inamin din ni Aljur na inakala niya noon na handa na siya sa buhay may-asawa nang pakasalan si Kylie, pero na-realize niya na hindi pa pala.
“Everything that I, you, do is may kapalit, walang kang takas dun. Wala kang takas.”
Sa kabila ng lahat, nais ni Aljur na malaman ng kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo na, “Kahit mali ‘yung mga naging desisyon ko, I did my best.”
Sa pangungumusta ni Toni sa puso ni Aljur…
“Sapat lang. Sapat sa pagmamahal sa sarili ko, sapat sa pagmamahal ko sa Panginoon, sa mga anak ko, sa lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko, sapat. Hindi labis, hindi kulang.”
Nali-link ngayon si Aljur kay AJ Raval.
On a different note, stroke of genius ang pagka-cast kina Aljur at Gardo Versoza sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko bilang lovers; ang papel ni Aljur ay struggling male star na lover ng gay character na papel naman ni Gardo sa naturang pelikula.
May konek ang dalawa dahil gumanap sa pelikula (Machete 2) si Gardo bilang Machete noong 1994 at si Aljur naman bilang Machete rin sa GMA series na Machete noong 2011.
Palabas ito sa mga sinehan ngayong April 8 at bahagi ng 1st Summer Metro Manila Film Festival.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
DOTr nilinaw na walang budget para sa Libreng Sakay sa taong 2023
NILINAW ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Marke Steven Pastor na hindi nakatanggap ng alokasyon sa 2023 budget ng ahensya ang pagpapatuloy ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa susunod na taon at magbigay ng insentibo sa mga driver at operator ng public utility […]
-
PNP Chief Debold Sinas nagpositibo sa COVID-19
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 virus si PNP Chief Gen. Debold Sinas. Sa isang sulat na inilabas mula kay NP Chief, kaniyang kinumpirma na nagpositibo siya sa virus batay sa RT-PCR swab test na inilabas ng PNP Health Service kaninang umaga, March 11,2021. Sa unang tatlong […]
-
Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. , tinuligsa si VP Sara
TINULIGSA ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. si Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y pagbaligtad sa isinasaad sa standard protocols ng Kamara partikular na sa isyu ng paggamit ng phone ng detainees. “It is infuriating to see the Vice President and her allies twisting facts to suit their narrative. The […]