Ginebra nasa unang puwesto na matapos tambakan ang Dyip, 102-80
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
PASOK na sa unang puwesto ang Barangay Ginebra matapos tambakan ang Terrafirma 102- 80 sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Pinangunahan ni Japeth Aguilar ang panalo na nagtala ng 21 points habang mayroong 13 points, 11 rebounds at siyam na assists si Scottie Thompson.
Dahil sa panalo ay tinapos nagtapos na ang kampanya ng Ginebra sa elimination na mayroong walong panalo at tatlong talo habang ang Dyip ay mayroong isang panalo at siyam na talo.
Kuntento naman si Ginebra coach Tim Cone dahil nakabangon na sila sa pagkatalo nila noong nakaraang araw sa San Miguel Beermen.
-
Lalaki himas-rehas sa panghihipo sa wetpaks ng dalagita
REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng 48-anyos na lalaki na dumakma at pumisil sa wetpaks ng isang dalagita matapos siyang maaresto makaraang makahingi ng tulong ang biktima sa kapitbahay nilang pulis sa Caloocan City. Sa ulat ni P/MSg Marjun Tubongbanua kay P/Col. Nixon Cayaban, hepe ng Valenzuela Police Station, dakong alas-12 […]
-
Valdez, Palou at Ravena papalakasin ang Spiker’s Turf
HANGAD nina Sports Vision President Ricky Palou, Spiker’s Turf President Alyssa Valdez pati si tournament director Mozzy Ravena na maging tuntungan tungo sa matagumpay na career ng mga lalaking volleyball player ang muling pagbomba ng Spiker’s Turf. Hahataw muli ang men’s volleyball simula Enero 22 sa bagong season ng Spikers’ Turf na may […]
-
Mas maluwag na GCQ sa NCR Plus, possible
Posibleng ibaba na sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus matapos ang Hunyo 15. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay dahil bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 dito kabilang na rin ang mababang hospital care utilization rate. Sa Metro Manila umano ay gumanda na […]