Gitna ng TNT, pinapapwersa kay Erram
- Published on March 7, 2020
- by @peoplesbalita
TIBA-TIBA ang Talk ‘N Text sa offseason nang makalawit si John Paul ‘Poy’ Erram mula sister-team North Luzon Expressway.
May dalawang ulit pang pinarebisa ng Philippine Basketball Association (PBA) trade committee ang mga dokumento bago naaprubahan ang three-team trade kasangkot ang Blackwater.
Pumuwersa lalo ang KaTropa, nagkaroon ng lehitimong big man. Mas mapapakinabangan na ang laro ni Jeth Troy Rosario na mas komportable sa stretch four.
“Kahit saan mo si Poy ilagay, malaking bagay iyan, eh,” komento kahapon ni coach Ferdinand ‘Bong’ Ravena, Jr. “Good for us, makaka-help siya with our rotation especially kulang din kami sa bigs.”
Solido pa rin ang core ng koponan kina Jayson Castro, Rosario, Roger Ray Pogoy, veteran Kelly Williams, Anthony Jay Washington.
Paunang full season niya si Bobby Ray Parks, Jr. na nalambat mula sa Elite sa Governors Cup, at si Simon Enciso sa Alaska Milk swap. Nadale rin si Kib Montalbo mula La Salle sa Draft nitong Disyembre.
“We’re trying to build up our team. Hopefully with the demographic of seasoned ang young players, we’ will be able to do that,” tugon ni team governor Victorico ’Ricky’ Vargas.
Palaging kontender ang TNT kahit nang wala pa si Erram. Pasok sa playoffs ng nakaraang Philippine Cup pero nasipa sa San Miguel Beer sa tatlong laro. Sa Commissioner’s, top seed ang KaTropa at hinakbangan ang Aces sa quarters at Barangay Ginebra San Miguel sa semifinals, pero nasilat muli sa SMB sa finals 4-2. Sa Governors Cup, No. 3 sila, kinahig ang Magnolia sa quarterfinals pero kinuryente ng Meralco sa semis.
“Kami naman, magaling sa umpisa. Pagdating sa huli, palpak,” natatawang hirit ni Vargas. “Hindi ko alam bakit nangyayari iyon. Balang araw, malalaman ko rin.”
Tumindi sa papel ang TNT sa pagbabalik ni Erram lalao’t walang June Mar Fajardo ang defending champion San Miguel Beer, Gregory William Slaughter ang Gin KIngs at tengga sa first month ng season si Raymond Almazan ng Meralco.
Puwedeng maging malakas na hanggang dulo ang TNT sa parating na 45th PBA PH Cup na sisiklab bukas (Linggo, Marso 8) sa Araneta Coliseum, pero Marso 11 pa ang binyag sa team sa Big Dome rin kontra Phoenix Pulse.
-
Santiago, Ageo Medics kampeon sa V.League
HUMAMBALOS ng mahalagang 11 points sa pamamagitan ng nine attacks at two blocks si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago para kargahin ang Saitama Ageo Medics sa pagtaob sa NEX Red Rockets, 26-24, 20-25, 25-21, 25-17 upang magkampeon sa 27th Japan V.League Division 1 V Cup 2021 sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo Linggop, Marso 28. […]
-
Pagkatalo ni 8-time World Champion Sen. MANNY, senyales na mag-retire na at umatras sa pagka-Pangulo
HINDI inaasahan nang marami ang pagkatalo ni Sen. Manny Pacquiao sa laban nila ni Yordeni Ugas via unanimous decision. Comment ng mga netizens, parang kulang na raw sa power ang suntok ni Manny. Hindi na rin daw masyadong mahusay ang ipinakita ni Manny sa laban. Kung nanalo si Manny, yun ang kanyang […]
-
PDu30 ,’satisfied, very happy’ sa achievements ng kanyang administrasyon- CabSec Matibag
“SATISFIED” at “very happy” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging performance ng kanyang gobyerno sa nakalipas na anim na taon. Sinabi ni Cabinet Secretary Melvin Matibag na “very delighted” si Pangulong Duterte matapos na iprisinta ng kanyang mga cabinet members ang kanilang accomplishments sa isinagawang huling “full Cabinet meeting”, Lunes ng gabi. […]