Give it your best shot- Malakanyang
- Published on February 8, 2022
- by @peoplesbalita
GOOD LUCK!
Ito ang mensahe ng Malakanyang sa mga bar takers ngayong taon sabay sabing “give it your best shot.”
“We wish good luck and godspeed to the more than 11,000 barristers taking the bar exams being held today and on Sunday February 6,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Karlo Nograles.
“Give it your best shot and make your family, your alma mater, and your community proud. This is indeed your moment,” dagdag na pahayag nito.
Pinuri naman ni Nograles ang Korte Suprema, Metropolitan Manila Development Authority, local government units, at school authorities, para maging posible ang bar examinations ngayong taon.
Ito ang kauna-unahang bar exam simula nang magsimula ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas.
May ilang daan sa Kalakhang Maynila ang isinara para sa bar exams.
Pinaikli naman ng Mataas na Hukuman ang pagssuuri sa dalawang araw, Pebrero 4 at Pebrero 6.
Nauna rito, ipinagpaliban ng Korte Suprema ang bar exams na dapat ay idinaos noong Nobyembre ng nakaraang taon upang tiyakin ang kaligtasan ng bar applicants at personnel sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)
-
Ads December 6, 2022
-
Pagpapalabas ng 92 milyong nat’l IDs sa taong 2023 itinutulak
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Statistics Authority ang pagpapalabas ng 30 milyong national IDs bago matapos ang taong 2022. Gusto rin ni PBBM na maabot ang “target goal” na 92 milyon sa kalagitnaan ng susunod na taon. Tinukoy ng Pangulo ang mahalagang gampanin ng digital transformation. […]
-
Bulkang Taal, nagkaroon ng phreatomagmatic eruption – Phivolcs
NAKAPAGTALA ng phreatomagmatic eruption ang Phivolcs sa Taal Volcano bandang alas-4:21 nitong Miyerkules ng hapon. Ito ay mas malakas na pagsabog na maaaring maglabas ng malaking volume ng volcanic materials. Inaalam pa ang ibang detalye ng nasabing development. Una rito, limang phreatic eruption events ang Phivolcs sa Taal sa […]