• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Glam team ni Miss Universe-PH BEATRICE, binubuo ng sikat na Filipino designers at jewelry maker; aminado na malaking pressure

ANG Filipino designers na sina Francis Libiran and Axel Que, at ang jewelry maker Manny Halasan ang magsisilbing glam team ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez. 

 

 

Sila ang gagawa ng national costume, evening gowns at ilan pang kailangan ni Beatrice sa paglaban nito sa Miss Universe 2021 pageant sa Israel.

 

 

Noong November 17, binigyan ng send-off party si Beatrice sa Hilton Manila at pinakilala ang kanyang magiging glam team.

 

 

May ilang gowns na raw na ginawa si Libiran na isusuot ni Bea sa preliminary competition at grand coronation night.

 

 

“It was a bit of a pressure and… right after Jonas (Gaffud, creative director of MUPO) messaged me, I started working on it right away. That’s why I was able to produce, I think, 25 sketches for Jonas. So when we had a meeting, I presented it in a huge board and I said, ‘Jonas, pumili ka na,‘” kuwento ni Libiran.

 

 

Dagdag pa niya, “Who can’t say no to Jonas? So when Jonas messaged me and said, ‘Can you dress up our queen?’ I said, ‘Of course.'”

 

 

Kabilang sina Miss World 2013 Megan Young at Miss International 2016 Kylie Verzosa sa nagawan ng magagandang gowns ni Libiran.

 

 

“You know, dressing up Bea is such a privilege… and I really enjoyed it because I studied how Bea’s personality is. And my inspiration is more of the person and… I did not get any theme from nature or what but it’s more about the person. So Bea is my inspiration in designing all these gowns,” diin ni Libiran.

 

 

Si Axel Quen naman ang nakatoka sa national costume ni Bea. Si Quen din ang gumawa ng Bukanawa inspired national costume ni Bea noong Miss Universe Philippines pageant.

 

 

“I feel scared and pressured also, and privileged to do the costume of our Miss Universe. It will be something that’s unique, something that’s evolved, and bright,” sey ni Queen.

 

 

Si Manny Halasan naman ang gagawa ng headpiece ng national costume ni Bea. Si Halasan din ang gumawa ng controversial headpiece para kay Rabiya Mateo. Unfortunately, hindi iyon nasuot ni Rabiya dahil sa sobrang bigat.

 

 

Nangako si Halasan na ang gagamitin niyang material sa headpiece ni Bea ay “very light at kaya niyang isuot kahit mag-isa lang siya.”

 

 

Magaganap sa December 12 ang Miss Universe pageant sa Universe Arena in Eilat, Israel. Ang magho-host ay si Steve Harvey.

 

 

***

 

 

MARAMING netizen ang natuwa sa naging reconciliation ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa ina ng kanyang anak na si AC Banzon.

 

 

Magkasama sina Kristoffer at AC pati na ang daughter nilang si Precious Christine or Pre’ sa pag-celebrate ng aktor ng kanyang 27th birthday sa isang beach resort sa Bohol.

 

 

Sa post ni Kristoffer sa social media, nilagyan niya ng caption na: “27, with my life and my anchor. It’s been rough, but we’re still here. These two has been the strongest people I know. Thank you for your unconditional love. Lord, iba ka kumilos. Salamat Lord sa mga pinaintindi mo sa ‘kin. Di mo ko iniwan from the start. I will forever trust you Lord. First family trip nitong pandemic. Deserve natin tong tatlo.”

 

 

Noong nakaraang February ay nagpalitan ng masasakit na salita ang dalawa via social media. Ang dahilan ay ang pakikipaghiwalay ni Kristoffer kay AC dahil nakipagrelasyon ito sa aktres na si Liezel Lopez noong magkasama sila sa lock-in taping ng GMA teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat.

 

 

Pero noong July ay nagkahiwalay din sina Kristoffer at Liezel at inamin ni Liezel na siya ang nakipag-break sa aktor. Sa buwan din na iyon ay naging Born-Again Christian si Kristoffer at humingi ito ng tawad sa mga taong nasaktan niya, kasama na rito ang girlfriend na si AC at ang anak nilang si Pre’.

 

 

***

 

 

SI Brenda Mage ang choice ni Albie Casiño para maging Big Winner ng PBB Kumunity.

 

 

Bago na-evict si Albie sa PBB house, pinaalam niya lahat na para sa kanya, si Brenda ang deserving manalo.

 

 

Sobrang sipag daw kasi ni Brenda kumpara sa ilang housemates. Madalas daw itong maglinis ng banyo at kusina. Na-observe daw ni Albie na ‘yung mga babae sa loob ng Bahay ni Kuya ay daig pa raw ni Brenda sa pagiging malinis.

 

 

Ginawa pa ngang example ni Albie ang mga bumabarang buhok ng mga girls sa shower drain. Si Brenda pa raw ang nagtatanggal ng mga ito.

 

 

“Si Mama Brenda, para sa akin because nakikita ko siya, lagi siyang gumagalaw sa loob ng bahay eh. Siya ang naglilinis ng banyo madalas. There’s eight girls in the house ‘di ba, so medyo nagkaka-furball sa drainage dahil sa mga buhok,” sey ni Abie.

 

 

At sa pagpasok nga raw ni Albie sa PBB house, si Brenda na raw ang nakita niyang kilos nang kilos. Yung ibang housemates daw ay hindi man lang tumutulong kay Brenda.

 

 

Tanong ni Albie kay Brenda: “Tinanong ko nga sa kanya iyan nung kakarating ko lang, ‘Mama Brends, bakit ikaw lagi ang naglilinis?”

 

 

Sagot ni Brenda: “Wala lang, gusto ko lang naglilinis ako.”

 

 

Kaya hindi raw puwedeng ma-evict agad si Brenda dahil mahihirapang maglinis ang mga housemates ng PBB house, lalo na raw yung mga feeling senorito at senorita.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo, ipinag-utos

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo sa bansa dahilan para ilikas ang libong mga Filipino at dalhin sa pansamantalang tirahan sa pasilidad ng pamahalaan.   “Alam mo, it is high time that government consider na we […]

  • PDu30, nais na bilisan ang rehab efforts sa Marawi City

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bilisan ang rehabilitation efforts sa Marawi City.   Tinatayang may tatlong taon na kasi ang nakalilipas mula ng makalaya ito mula sa local terror group.   “Let’s just say we are satisfied but the President, of course, would appreciate it if it can be hastened,” ayon kay presidential […]

  • Atienza pabibilisin Wifi sa bawat isang tahanan

    PUNTIRYA ni dating National Taekwondo Team member at newly-appointed Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Arnold ‘Ali’ Atienza na makatulong kay Secretary Gregoprio Honasan upang mapabilis ang internet o Wi-fi para sa bawat tahanan.   Itinalaga ang Manila 11th Asian Taekwondo Championships 1994 gold medalist bilang bagong DICT Undersecretary sa Government Digital Broadccast […]