• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gluta na tinuturok, delikadong gamitin – FDA

MULING nagpaalala ang pamunuan ng Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko partikular sa gustong maging ‘mestiza look’ na nagpapaganda sa kanila, na mag-ingat sa pagbili, paggamit at pagpili ng beauty regimen.

 

Isa sa inilabas na advisory ng FDA ang ukol sa injectable glutathione na matagal nang tinatangkilik ng hindi lamang kababaihan, lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) kungdi maging mga banidosong kalalakihan sa panahong ngayon.

 

Batay sa Glutathione Facts advisory ng FDA, ang Glutathione IV (injectable) na ina-administer ng non-health clinics tulad ng mga spa at beauty salon, na hindi garantisado ang kaligtasan ng kalusugan ng tao dahil wala umano itong sapat na pasilidad para sa kanilang kliyente na magkakaroon ng mga side effect sa gamot.

 

Kabilang sa posibleng maranasan ng kliyente ang hypersensitivity o reaksyon o intolerance ng normal immune system tulad ng mga allergy o auto sensitivity; chest pain o pananakit ng dibdib; hirap sa paghinga; palpitation o mabilis na pagtibok ng puso; itching o pangangati at pagkakaroon ng rashes o pantal-pantal sa balat; high dose ng Vitamin C na taglay nito ay maaari ding magresulta sa hemodialysis at acidic na ihi; at ang pinakamatindi ay kamatayan.

 

Ayon pa sa babala ng ahensiya, ginagamit ang injectable glutathione sa mga pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy. Hindi rin umano aprubado ng FDA na ito ay isang skin light toning agent.

 

Wala rin umanong ulat o isyu na nagkaroon ito ng clinical trial at tamang dose at treatment duration kaya ipinapayo nila na iwasan ito.

 

Huwag umanong magpa-engganyo sa mga claim at patalastas na kulang sa impormasyon at sa halip ay magpakonsulta sa certified dermatologist.

 

Pinayuhan ng FDA ang publiko na huwag basta bumili ng gamot na ito sa mga online seller at distributor.
Dagdag pa ng FDA, walang gamot na may siyento por siyento (100 %) safe.

Other News
  • Ads September 4, 2020

  • Pfizer vaccine na dumating, inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”-Galvez

    SINABI ng National Task Force Against Covid-19 na ang bulto ng government-procured Pfizer vaccine na dumating sa bansa, araw ng Miyerkules ay inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”.   Tinatayang may kabuuang 813,150 doses ang dumating sa bansa via Air Hongkong flight LD456 dakong alas- 8:30 ng gabi sa Ninoy […]

  • PBBM, pinangunahan ang oath-taking ng kanyang cabinet members sa Malakanyang

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  oath-taking  ng kanyang mga reappointed Cabinet members, araw ng Martes, Oktubre 4, sa Malakanyang.     Una sa listahan si newly-appointed Executive Secretary Lucas Purugganan Bersamin, 72,  tubong- Bangued, Abra.     Pinalitan ni Bersamin si Atty. Victor Dayrit Rodriguez, bumaba sa puwesto noong nakaraang linggo.   […]