GMRC, IBALIK
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
IBA na talaga ang kabataan ngayon. Ang dating madaling kausap, mahirap nang intindihin. Kung gaano kahirap pangaralan, ganu’n naman kadaling maimpluwensiyahan.
Bagama’t, hindi naman kailangang lahatin, pero meron talagang mga pasaway at nakalimutan na ang kagandahang-asal. Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ang pagbabalik ng asignaturang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa elementarya at hayskul — sa pribado o pampublikong eskuwelahan man.
Sa ngayon, aprubado na sa ikatlong pagbasa sa Senado ang nasabing panukala. Sa ilalim ng Comprehensive Values Education Act, ang mga estudyante sa primary level ay obligadong dumalo sa 30-minutong klase kada araw para sa GMRC.
Habang ang mga junior at senior high school naman ay may isang oras na klase sa values education dalawang beses kada linggo.
Kaugnay nito, sana, bigyan din ng pansin ang kakulangan sa mga guidance counselor. Sila ang pinakatamang tao para magbigay-gabay sa mga estudyante. Ang guidance counselor ang bumubuo ng guidance program na ipalalaganap sa buong paaralan kung saan magpapatupad sila ng iba’t ibang guidance services.
Ito ang solusyon sa iba’t ibang suliranin ng mag-aaral mula sa absenteeism, cutting classes, iligal na gawain, mental at emosyunal na kalusugan.
Bagama’t, naniniwala tayong ang kagandahang-asal ay nagsisimula sa bahay, hindi naman lahat ng bahay ay maituturing na tahanan. Hindi lahat ay may mapagmahal at responsableng mga magulang kaya may mga anak na sa ibang lugar at ibang tao hinahanap ang masasabing pamilya.
At ang eskuwelahan, bilang isa sa maituturing na pangalawang tahanan ay may pagkakataon na matulungan at magabayan ang kabataang nalilihis ng landas.
Ang kalahati o isang oras na pagkilala at pakikinig sa kanila ay napakalaking tulong na.
-
Administrasyong Marcos, tuloy ang trabaho kahit Christmas holidays
TULOY ang trabaho ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahit pa holiday season. Katuwiran ni Pangulong Marcos, kailangan na mapabilis ang inisyatiba na naglalayong mapabuti pa ang buhay ng mga Filipino. “Kahit sumampa na ang Christmas season at yung iba ay medyo vacation mode na, tayo ay patuloy pa […]
-
Ads October 29, 2024
-
NCCA’s Eksena Cinema Quarantine Films’ Now Streaming Worldwide
ECQ: Eksena Cinema Quarantine (COVID-19 Filmmakers’ Diaries), a project under the National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Cinema (NCCA-NCC), in cooperation with University of St. La Salle- Artists’ Hub. Featuring sixteen filmmakers namely Adjani Arumpac, Hiyas Baldemor Bagabaldo, Arbi Barbarona, Glenn Barit, Carlo Enciso Catu, Zurich Chan, Arden Rod Condez, […]