• June 21, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Go inihain ang programang Philippine National Games

INILATAG ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang Senate Bill No. 2001 o Philippine National Games Act sa layuning magtuluy-tuloy ang programa para sa sports.

 

 

“In continue my advocacy to promote sports in the country with this bill that, I know, will further the development of our sports programs and eventually shape more athletes into champions,” reaksyon noong Linggo ng mambabatas.

 

 

Isa sa mga adhikain ng panukala ng senador ang pagbalangkas sa isang komprehensibong programa sa sports na magkokonekta para sa mga palaro mula sa brangay hanggang pambansa.

 

 

“Naniniwala ako na ang sports ay isang paraan upang mabigyan natin ng ang ating mga kabataan nang mabuting pagkakaabalahan at ilayo rin sila sa mga masasamang bisyo, tulad ng iligal na droga at masasamang bisyo,” sambit pa ni Go.

 

 

Kilalang aktibo sa sports sa Senado si Go na tumutulong sa Philippine Sports Commission (PSC) at mga atleta sa ilang taon na niyang panunungkulan. (REC)