• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobernador ng Bulacan, bumisita sa pulis na nasugatan matapos ang operasyon, nirekomendang mabigyan ng pagkilala

BUMISITA si Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan at inalam ang kundisyon ni PCPT. Jocel Calvario, Hepe ng Intelligence and Drug Enforcement Unit ng Meycauayan City Police, na kasalukuyang nasa Meycauayan Doctors Hospital makaraang lubhang masugatan sa isang police operation kamakailan.

 

 

Sa kanyang pagbisita, pinuri ni Fernando ang hindi matatawarang dedikasyon ni Capt. Calvario sa laban ng probinsiya kontra sa iligal na droga at binigyan ito ng pinansiyal na insentibo.

 

 

Pinagtibay din ng gobernador na bibigyan ng pagkilala ang katapangan at dedikasyon ni Capt. Calvario kung saan kanya itong ineendorso sa pamamagitan ng resolusyon mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan at Provincial Peace and Order Council.

 

 

Ayon sa opisyal na ulat ng pulisya, ang casing at surveillance operation na naganap noong Nobyembre 17, 2024 sa Barangay Malhacan sa Lungsod ng Meycauayan ay naging engkuwentro kung saan 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.4 milyon ang nakumpiska.

 

 

Sinabi ni Brig. Gen. Redrico Maranan, Police Regional Office-Central Luzon Director, operatiba ng Special Drug Enforcement Unit sa ilalim ng Meycauayan City Police Station, na isinasagawa ang casing at surveillance operation laban sa mga suspek na may mga alyas na “Dan” at “Analyn” ng magpaputok ang mga suspek habang nasa loob ng pribadong sasakyan.

 

 

Napaulat na gumanti ng putok ang mga pulis at sa kabila ng tangka ng mga suspek na tumakas, sila ay napigil at naaresto. Parehong tinamaan ang mga suspek habang nagtamo naman ng sugat sa kaliwang hita si PCPT. Jocel Calvario.

 

 

Tinapos ni Fernando ang kanyang pagbisita sa pamamagitan ng paghimok sa buong puwersa ng kapulisan sa Bulacan na maging matatag sa pagganap sa kanilang mga tungkulin.

Other News
  • Metro Manila mayors nagkasundo sa maikling curfew

    Mas maikling oras na curfew ang nais ng mga alkalde ng Metro Manila upang bigyang-daan ang nalalapit na tradisyunal na Simbang Gabi .   Bukod dito, sinabi kahapon  ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ­inirekomenda rin nila sa national go­vernment na palawigan pa ang  general community quarantine (GCQ) sa National […]

  • Sa September na siya manganganak… RIA, kinumpirma na lalaki ang first baby nila ni ZANJOE

    KUMPIRMADONG lalaki ang magiging first baby ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, na kanilang in-announce sa naganap na surprise baby shower last Sunday, July 21 na Marquis Events Place, BGC, Taguig City. At sa imbitasyon na pinadala, may hint na baby boy ang ipinagbubuntis ng anak nina Art Atayde at Sylvia […]

  • Mga pulis na kasama sa video ng P6.7-B anti-drugs ops, sasampahan ng kaso- Abalos

    SINABI ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga police officers na kasama sa  video ng operasyon sa Maynila noong nakaraang taon kung saan P6.7 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam.     “In 10 days malalaman ninyo kung ilang mga pulis na kasama sa video […]