Gobyerno, double-time na nagta-trabaho para maging banayad ang inflation o pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin
- Published on May 7, 2022
- by @peoplesbalita
“Double time” ang ginagawang pagtatrabaho ng pamahalaan para maging banayad ang inflation o pagtaas ng presyo ng ilang pangkaraniwang serbisyo’t produktong binibili ng mga konsyumer sa gitna ng pabago-bagong global oil at non-oil prices.
Iniulat kasi ng Philippine Statistic Authority na pumalo sa 4.9 percent sa nakalipas na buwan ang inflation, 4.0% noong Marso at 4.1% sa kahalintulad na buwan noong nakaraang taon.
“The Executive, particularly our Economic Team, is closely monitoring the increase in the country’s inflation, which stands at 4.9 percent in April 2022,” ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar.
Dahil dito, kailangan aniyang mag-dobleng trabaho ang pamahalaan para tugunan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
“We shall work double-time to address the socio-economic concerns of our people while taming high prices of goods and commodities,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, bumilis pa ang Inflation o paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Abril ngayong taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistic Authority, pumalo sa 4.9 percent ang Inflation mas mataas kumpara sa 4 percent noong Marso.
Sinabi ni Usec Dennis Mapa ng PSA na ito na ang naitalang pinakamataas na inflation mula noong January 2019.
Lagpas na rin ito sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2 hanggang 4 percent.
Pangunahing nag-ambag sa pagtaas ng Inflation ang mataas na presyo ng pagkain na umabot sa 51.5 percent, transportasyon, krudo at kuryente.
Ang mataas na presyo pa rin ng gasolina sa World market dulot ng gusot ng Russia at Ukraine ang nakikitang dahilan ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. (Daris Jose)
-
Sa wakas… PBBM, nilagdaaan ang 2025 nat’l budget, bineto ang P194 billion
PORMAL nang tinintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang maging ganap na batas ang panukalang national budget para sa fiscal year 2025, araw ng Lunes, Disyembre 30. Ito’y matapos ang ginawa niyang masusing paghimay at pagrepaso sa 2025 national budget kasama ang mga economic manager ng bansa. Ang paglagda sa P6.326 trillion budget para sa […]
-
Ayuda sa mga Bulakenyong magsasaka, pinangunahan ni Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang pagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng mga kagamitan sa pagsasaka sa ginanap na “Distribution of STW and Assorted Vegetable Seeds for Farmers Affected by Water Shortage” sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito. Tumanggap ng tig-isang shallow tube well ang may […]
-
Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN
NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens. Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise […]