Gobyerno, handa na kay ‘Mawar’
- Published on May 25, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng administrasyong Marcos sa publiko na naghahanda na ito para sa posibleng epekto ng tropical storm Mawar, partikular na sa mga rehiyon ng Ilocos at Cagayan Valley.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na inihanda na ng kanyang departamento ang mga goods o kalakal sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang paghahanda sa anumang kaganapan.
“We have prepositioned goods … everywhere in the country,” ayon kay Gatchalian nang tanungin ukol sa contingency para sa nagbabadyang tropical storm.
“We have worked with PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical, Astronomical Services Administration) on the modeling that it seems going to, it seems at this point, kasi it’s very early. It’s going to affect Regions II, Regions I, all the way to Batanes,” ayon sa Kalihim.
Ani Gatchalian, nagawa na aniya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magdagdag ng stockpile ng food packs sa northern Luzon bilang preparasyon para sa bagyo.
“Right now, ang average kasi nila will be around 30 to 50,000 in those two regions, independently of each other. Naka-preposition na iyon. But we are doubling it up. The goal here is to double it before the end of business tomorrow,” ang pahayag ni Gatchalian sabay sabing sinimulan na nila ang mobilisasyon nito lamang weekend.
Ang food packs ay para sa mga lugar na mayroong DSWD field offices na kasalukuyan ngayong nakikipagtulungan sa local government units para sa logistical support.
Tiniyak naman ni Gatchalian na may sapat na pondo na gagamitin para sa disaster response at ang quick response fund (QRF) mula sa national government ay available.
“Remember in the quick response fund natin, part n’ya is preparedness, making sure that handa tayo even before the storms come in. At DSWD, we have a full department doing disaster response,” paliwanag nito.
“It’s not a one-shot deal na kapag may bagyo lang na dumadating. All year long, they do these types of stockpiling activities, identifying, and when I was signed up, we were talking about… we are trying to expand our warehouse system. That is what we are utilizing now, the warehouse system — the LGUs or (that of the) national government or (concerned) national government agencies.” litaniya ng Kalihim. (Daris Jose)
-
Agad naman niyang sinunod at bumili ng sapatos: HEART, sinabihan ng ama ng ‘Be Happy’ at pinabili ng Christmas gift
PAGKATAPOS na mag-post ni Kathryn Bernardo ng very emotional long letter para sa kanyang Lolo Sir, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez, sinagot ito ng actor sa kanyang Instagram account din. Tinawag niyang pang-forever 5th apo na raw niya si Kathryn. Sabi niya sa kanyang Instagram post, “Gracious Kathie! Anu b yan? […]
-
Europe nasa ceasefire muna sa COVID-19
NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na malapit ng manahimik ang Europa laban sa COVID-19. Ito ay dahil sa maraming mga bansa ang nagpatupad ng pagpapaluwag na ng COVID-19 restrictions. Ayon kay WHO Europe Director Hans Kluge na dahil sa mataas na vaccination rates at ang pagtatapos ng winter ganun din […]
-
1K miyembro ng TODA, tumanggap ng ayuda mula sa Quezon City LGU
UMAABOT sa 1,000 miyembro ng Tricycle Operators at Drivers Association mula sa ika-6 na distrito ng Quezon City ang tumanggap na ng kani-kanilang mga Fuel Subsidy Fleet Card mula sa lokal na pamahalaan. Ang bawat fleet card ay may lamang P1,000 na maaari nilang magamit sa pagpapa-karga ng gasolina sa anumang branch ng […]