• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, handang tulungan ang mga Pinoy sa Taiwan –PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga manggagawang Filipino sa Taiwan na handa ang gobyerno ng Pilipinas na tulungan at suportahan ang mga ito ngayong “difficult times” kasunod ng malakas na lindol na tumama at yumanig sa isla, araw ng Miyerkules.

 

 

 

“We stand ready to assist and support our fellow Filipinos in Taiwan in any way possible during this difficult period,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang kalatas matapos ang malakas na lindol na yumanig sa Taiwan.

 

 

 

Idinagdag pa ni Pangulong Marcos na masigasig ang Department of Migrant Workers (DMW) na tiyakin ang kaligtasan ng 159,480 overseas Filipino workers (OFWs) na kasalukuyan ngayong nakatira sa Taiwan.

 

 

 

“Our hearts are with the people of Taiwan as they endure the aftermath of today’s powerful earthquake,” ayon sa Pangulo.

 

 

 

Sa ulat, apat na ang naitalang nasawi at mahigit 50 iba pa ang sugatan matapos tumama ang 7.2 magnitude earthquake sa Taiwan nitong Miyerkules, ang pinakamalakas na lindol na naranasan ng isla sa nakalipas na 25 taon.

 

 

 

Sa ulat ng Reuters, sinabi umano ng pamahalaan ng Taiwan na mga residente sa kabundukan ang mga nasawi sa bahagi ng Hualien, na epicenter ng lindol.

 

 

 

Sa tinatayang 26 na gusali na gumuho, mahigit kalahati sa mga ito ang nasa Hualien, at may 20 katao ang pinapangambahang nakulong sa mga guho.

 

 

 

Sa footage ng Taiwan television stations, makikita rin ang mga gusali na nakatagilid bunga ng pagtama ng lindol dakong 8:00 am, habang papunta sa kanilang mga trabaho ang mga tao, at papasok sa paaralan ang mga estudyante.

 

 

 

“It was very strong. It felt as if the house was going to topple,” ayon sa 60-anyos na si Chang Yu-Lin, hospital worker sa Taipei.

 

 

Ayon sa weather agency ng Japan, may ilang maliliit na tsunami waves ang nakarating sa bahagi ng southern prefecture ng Okinawa.

 

 

 

Naglabas din ng tsunami warning ang Seismology Agency ng Pilipinas na inalis din pagkaraan ng ilang oras.

 

 

 

Naramdaman ang mga aftershock sa Taipei, na umabot na sa mahigit 25, ayon sa central weather administration ng Taiwan.

 

 

 

Iniulat din ng Chinese state media na naramdaman ang lindol sa kanilang Fujian province, at sinabi rin ng ilang saksi na naramdaman din ang pagyanig sa Shanghai.

 

 

 

Ayon sa official central news agency ng Taiwan, ang naturang lindol ang pinakamalakas na tumama sa isla mula noong 1999 nang mangyari ang 7.6 magnitude na lindol na kumitil sa buhay ng 2,400 tao, at nagpatumba sa 50,000 gusali. (Daris Jose)

Other News
  • Presyo ng mga prime commodities at basic goods, pasok pa rin sa SRP – DTI

    NILINAW ng Department of Trade and Industry (DTI) na pasok pa rin sa May 11 suggested retail price (SRP) ang presyo ng prime commodities at basic goods na ibinibenta sa mga supermarkets at grocery stores.     Kung kaya’t hinihikayat ng DTI ang mga consumers na bumili sa mga supermarkets kung saan regulated ng ahensiya […]

  • Obrero kalaboso sa patalim at pagwawala sa Valenzuela

    BINITBIT sa selda ang isang construction worker matapos magwala at maghasik ng takot habang armado ng patalim sa Valenzuela City, Lunes ng umaga.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 (Alarms and Scandal) at Batas Pambansa bilang No. 6 (Illegal Possesion of Bladed, Pointed or Blunt Weapon) ang naarestong suspek na si alyas […]

  • Valenzuela LGU nagbigay ng 63 bagong vans sa mga paaralan

    PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian, kasama si Senator WIN Gatchalian ang pagbabasbas at turnover ng 63 mga bagong WIN Serbisyo Van sa Puregold Dalandanan Parking Grounds para sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.   Ang naturang mga van ay nagkakahalaga ng P69,293,700, na nabili sa pamamagitan ng pagpopondo […]