• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, iniklian ang quarantine, isolation period para sa aviation personnel

INIKLIAN na ng gobyerno ang  isolation at quarantine period para sa aviation personnel na nahawaan ng COVID-19 at exposed sa COVID-19 case.

 

 

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ang nakasaad sa ilalim ng  Inter-Agency Task Force Resolution 157 na nagsasabing ang aviation personnel na may mild case ng COVID-19 o  asymptomatic ay required na mag- isolate ng limang araw, “provided” na sila ay  fully vaccinated at nakatanggap ng booster shot laban sa  COVID-19.

 

 

Sa kabilang dako, ang aviation personnel na na- exposed sa COVID-19 case subalit hindi nagpakita ng COVID-19 symptoms ay hindi na kailangan na sumailalim sa  quarantine, kailangan lamang na sila’y  fully vaccinated at  nakatanggap ng booster shot laban sa  COVID-19.

 

 

Gayundin, ang mga asymptomatic close contacts ng mga naka- recover mula sa  COVID-19 sa loob ng  nakalipas na  90 araw ay Hindi na kailangan na sumailalim sa  quarantine.

 

 

Ang  quarantine at isolation period para sa mga miyembro ng  general population fully vaccinated laban sa COVID-19 at na- exposed sa COVID-19 case o infected ng COVID-19 range ay mula pito hanggang 10 araw.

 

 

Gayundin, sinabi ni Nograles na ang Transportation Department at  attached agencies nito ay ia- identify ang nararapat na accountable group na gagawa ng desisyon ukol da pagpapaikli ng  isolation o quarantine base sa ebidensiya, kahalintulad sa Hospital Infection Prevention and Control body.

 

 

“Such a body deliberates, monitors, and acts on all infection-related concerns involving infectious disease specialists, safety officers, and the management of a health facility,” ani Nograles.

 

 

Gayundin, ni-require naman ng IATF ang lahat ng aircraft na maging ” appropriately ventilated” at ang aviation staff na magsuot ng  tama at akmang  personal protective equipment sa lahat ng pagkakataon.

 

 

“DOTr will monitor and evaluate the implementation of the [protocols for the] aviation industry, and copy-furnish reports to the DOH Epidemiology Bureau for assessment of COVID-19 cases, clusters, vaccination status, and the like,” ang nakasaad sa  IATF Resolution.

 

 

Panghuli, mananatili naman ang kapangyarihan ng  IATF   “to revoke/modify the privilege provided to the aviation industry for shortened quarantine and isolation.” (Daris Jose)

Other News
  • BARMM, “greatest legacy” ni Pangulong Duterte sa mga Muslim- regional executive

    ANG Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang itinuturing na “greatest legacy” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Filipino- Muslims.     Kaya nga, hinikayat ni BARMM Chief Minister Ahod “Murad” Ebrahim ang kanyang mga nasasakupan na huwag kalimutan kung ano ang mga nagawa ni Pangulong Duterte para sa kanila pagdating sa pagkakaroon ng […]

  • Kaya ‘di na makakasama sa ‘ASAP’ sa Las Vegas: SHARON, inaming tatlo sa pamilya ang nagka-Covid sa Australia

    ANG dapat o nagsimula naman na masayang bakasyon ng Megastar na si Sharon Cuneta, kasama ang buong pamilya niya sa Australia ngayon ay nahaluan ng lungkot.     Sa pag-uwi raw nila ng bansa, mukhang naka-caught sila ng COVID virus sa Australia.     Ayon kay Sharon, tatlo raw sa family members niya ang positibo […]

  • Johnson, 3 iba pa gigil na sumabak

    ATAT nang sumalang ang apat na mga bagong import sa kabuuang 12 mga masisilayan sa pagsisimulang muli ng 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021-22 Governors’ Cup elimination round  ngayong Biyernes, Pebrero 11 sa Araneta Coliseum, Quezon City.     Ang grupo na mga bagong reinforcement ay sina Orlando Johnson ng San Miguel Beer, Jamel Artis […]