• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, maglulunsad ng kampanyang “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay”

NAPIPINTONG ilunsad ng gobyerno ang isang kampanya para ipabatid sa publiko na maaari namang maghanapbuhay kahit may kinakaharap na pandemya.

Ang kampanya ayon kay Sec. Roque na ipapa- apruba kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sa gitna na rin ng
mainit na debate sa loob ng IATF at UP group na nagsasabing kinakailangan manatili pa ring sarado ang ekonomiya.

Aniya, kung walang matatanggap na ayuda ang mamamayan, ang solusyon dito ay buksan ang ekonomiya at hayaang makapag-trabaho ang mga tao kaakibat ang kaukulang pag- iingat.

“Kinakailangang buksan ang ekonomiya dahil talaga naman pong wala pa ring trabaho ang karamihan kung mananatili ang mga lockdowns,” ayon kay Sec. Roque.

“At tingin ko po bagaman at mainit po ang debate sa IATF at nandiyan po iyong UP-OCTA group na nagsasabing kinakailangan manatili pa ring sarado ang ekonomiya, well, sabihin po natin iyan doon sa mga walang trabaho dahil sarado ang ekonomiya.

 

At kung wala po tayong ayuda, ano pa ang solusyon natin kung hindi buksan ang ekonomiya,” pahayag nito.

Sinabi pa ni Sec. Roque na isa siya sa mga naniniwalang maaaring ituloy ang buhay kahit may COVID at kailangang matutong mabuhay sa gitna ng pandemya.

“Intense po ang debate sa IATF at sa Gabinete, those who want to open the economy and those who want to continue closing it because of the threat.”

“Ako, I personally belong to the school of thought na we can live with COVID; we need to learn how to live our lives with COVID. At ilulunsad na nga po natin iyong ating kampaniya na “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay”,” lahad ni Sec. Roque.

Other News
  • Ads December 20, 2022

  • Covid-19 capital na ang Pilipinas, pinalagan ng Malakanyang

    PINALAGAN at itinatwa ng Malakanyang ang ulat na Covid-19 capital na ang Pilipinas.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagdami ng mga kaso ay dahil sa mga variants mula sa UK, South Africa, Brazil at Pilipinas.   Subalit bagama’t sa buong daigdig aniya ay problema ang matinding pagdami ng kaso ay nananatili ang […]

  • LRT-2, pinaikli ang byahe ngayong Bisperas ng Pasko at Bagong Taon

    Nagpatupad ng mas pinaikling byahe ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority ngayong Bisperas ng Pasko at maging sa Bagong Taon.       Ang naturang shortened operations ay para sa linya ng Light Rail Transit line 2 na nagsimula ngayong araw at muling ipapatupad sa December 31.     Layon ng hakbang na ito […]