• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, may napupusuan ng protective design para sa magkaangkas sa motorsiklo

MAY napipisil nang disenyo ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa napipintong pagbibigay na ng permiso sa mga nagmomotorsiklo upang makapag- angkas o makapagsakay ng back rider.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na ang disenyong shield ni Bohol Governor Arthur Yap ang napupusuan ng Task Force para sa mga magka- angkas sa motorsiklo na kung saan ay may protective shield sa rider at angkas nito.

Sa ngayon ayon kay Sec. Roque ay wala ng anumang pagtutol o objection para payagang makapag-angkas muli ang mga nagmo -motorsiklo dangan lang at hinihintay na lamang ang guidelines.

Approved na aniya in principle ang pag- aangkas at isinasapinal na lamang ani Roque ang panuntunan tungkol dito.

Batay sa disensiyong inilabas ni Governor Yap, nakakabit na sa motorsiklo ang protective shield device na ditoy maisasakatuparan ang social distancing. (Daris Jose)

Other News
  • Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Huling bahagi)

    ISANG taon nang nakakulong si Andrew Joshua delos Reyes sa San Mateo Municipal Jail sa San Mateo, Rizal.   Ito’y makalipas siyang damputin ng mga pulis na nag-raid sa isang computer shop sa kalapit na village sa lugar na malapit din sa bahay ng kabigan niya.   Hindi nadakip ang may ari ng bahay kaya […]

  • 4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela

    LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]

  • PGH, tuluyan nang lumagpas sa kapasidad para sa COVID patients

    Tuluyan lumagpas sa kapasidad na pasyente para sa COVID-19 ang Philippine General Hospital.   Ayon kay PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario, mayroon lamang 210 hospital beds ang kanilang pasilidad, ngunit 215 na ang naka-confine na pasyente.   Maliban sa mga ito, may 40 pang nasa waiting list ng PGH.   Lumalabas sa kanilang record […]