• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, nakahanda para sa ‘worst case scenario’ sa pagputok ng Bulkang Kanlaon

NAKAHANDA ang gobyerno para sa ‘worst case scenario’ kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

 

 

Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Raffy Alejandro na inihanda na ang evacuation centers sakali’t tumaas ang alert level. Sa kasalukuyan, ang alert level ay 3.

 

“At Alert Level 4, the number of people to be evacuated will increase by 10,000,” ang paliwanag ni Alejandro.

 

“Mayroon na tayong worst case scenario planning. At pinapa-ready na natin ‘yung mga evacuation centers na kailangan kasi kapag nagkaroon ng elevation ng Alert Level, kahit sa Alert Level 4 lang, madadagdagan ng sampung-libong tao. From 54,000 magiging 64,000 iyong kailangan ilikas,’ aniya pa rin.

 

Samantala, hinikayat naman ni Alejandro ang local government units (LGUs) na mag-develop ng isang tamang evacuation system at tiyakin na ang family food packs at water facilities ay available para sa mga bakwit.

 

“So kailangan naka-ready na ang family food packs, evacuation center, wash facilities, tubig, [at] liguan. Kailangan talaga magkaroon na ng proper planning doon sa local government at iyong sustainability doon sa mga evacuation centers,” ang pahayag ni Alejandro. (Daris Jose)

Other News
  • Pangangalaga at pagprotekta sa kulturang pamana: ‘Devil Statue’ binalik na ng Malabon LGU sa Tugatog

    Pangangalaga at pagprotekta sa kulturang pamana: ‘Devil Statue’ binalik na ng Malabon LGU sa Tugatog Cemetery.     SA isang pangako na pangalagaan at protektahan ang mga likhang sining at ari-arian na may makabuluhang halaga sa kasaysayan at kultura, pinabilis ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagbabalik […]

  • Bigo ulit ang Pilipinas sa 95th Academy Awards: ‘On The Job: The Missing 8’ nina JOHN, ‘di nakasama sa shortlist ng Foreign Language Film

    SA pagsalang ni Elijah Alejo sa fast money round ng Family Feud Philippines, kabilang sa mga tanong ay magkano ang ibibigay niya sa inaanak ngayong Pasko. Ang naging sagot ng aktres ay “P20” na kinaaliwan ng maraming netizens. Nakalaban ng bida sa upcoming GMA teleserye na Underage at ng kanyang pamilya sa naturang episode ay […]

  • Nangakong gagawa na ng teleserye… MARIAN, inaming gusto pa rin nila ni DINGDONG na magkaanak pa

    AFTER ng first wedding ni Kapuso Drama Royalty na si Glaiza de Castro sa husband niyang si David Rainey, a businessman from Northern Ireland last October 12, 2021, muli silang ikinasal this time dito naman sa Pilipinas.       Iyon kasi ang kasunduan nila, na mauuna silang ikasal sa Ireland, bago ganapin ang wedding naman […]