Gobyerno, nakakolekta ng mahigit sa P200B mula sa tax reform
- Published on May 30, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ng Department of Finance (DOF) na nakakolekta ang gobyerno ng P202.8 bilyong piso na karagdagang kita noong 2002 mula nang ipatupad ang Comprehensive Tax Reform Program (CTRP).
Ayon sa DoF, ang kabuuang koleksyon noong nakaraang taon ay mataas sa 26.3% mula sa P160.5 bilyong kita noong 2021.
Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang mas mataas na koleksyon ay dahil sa “full economic recovery due to lifting of stringent quarantine measures” ipinatupad noong kasagsagan ng pandemya.
“The major gains in 2022 were seen in the imported petroleum excise tax, sweetened beverage excise tax, documentary stamp tax, and sin taxes on tobacco and alcohol,” ayon kay Diokno.
Makikita sa data ng DOF na ang kabuuang koleksyon mula sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ay umabot sa P216.5 bilyong piso noong 2022, tumaas ng 27% kumpara sa P171 bilyong piso na nakolekta noong 2021.
Ang koleksyon naman mula sa Package 1B o Tax Amnesty Law ay bumaba ng 69.6% mula sa P4.6 bilyong piso noong 2021 na naging P1.4 bilyong piso noong nakaraang taon.
“Total collections from Package 2+ or the Sin Tax Laws meanwhile amounted to P65.3 billion, 23 percent higher than the 2021 collection of P52.9 billion,” ayon sa DoF.
“Revenue losses from the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law reached P80.4 billion in 2022, up by 18 percent or P12.4 billion from the actual impact in 2021 of P68 billion,” ayon pa rin sa DoF.
Samantala, ang panukalang tax revenue measures sa ilalim ng Medium Term Fiscal Framework (MTFF), ay makalilikha ng P145.5 bilyong piso na karagdagang kita mula 2024 hanggang 2028.
“The proposed tax revenue measures under the MTFF such as Package 4 or the Passive lncome and Financial lntermediary Taxation Act, VAT on digital service providers, and excise taxes on single-use plastics and pre-mixed alcohol are currently being deliberated and discussed at the House of Representatives and Senate, and expected to be implemented starting 2024,” ayon kay Diokno sabay sabing “Broken down, the government expects to collect P29.1 billion in 2024; P29.5 billion in 2025; P29.4 billion in 2026; P29.1 billion in 2027; at P28.5 billion in 2028.”
“The MTFF is the administration’s plan to promote fiscal sustainability and reduce the fiscal deficit while enabling economic growth,” ayon kay Diokno. (Daris Jose)
-
Ilang biktima ng BDO online hacking, nabawi na ang nawawala nilang pera
Umaalma ngayon ang grupo ng mga consumers sa pamamaraan na ginagawa ng BDO sa pag-reimburse nila sa pera ng kanilang mga depositors na biktima ng online fraud. Una rito, mayroon nang mga biktima ng online hacking ang nagtungo sa ilang branch ng naturang bangko at naibalik na ang kanilang pera. Pero […]
-
BABAENG TULAK NG BAWAL NA DROGA, NAHULI SA TONDO
ARESTADO ang isang babae na umanoy tulak ng illegal na droga sa isang buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA- Region 3 sa Tondo, Maynila. Sa report ni PDEA-3 Regional Director Christian O. Frivaldo kay PDEA Director General Wilkins M Villanueva, kinilala ang suspect na si Belinda B. […]
-
Government, Medical Societies, Pharmacists, Patient Orgs, Commit to Cervical Cancer Elimination in the Philippines
For the first time ever, over 400 stakeholders, including municipalities, healthcare advocacy groups, national agencies, and civil societies, stood united against the Big C at the 1st Philippine Cervical Cancer Elimination Summit, titled ‘One Community Against HPV’. In the Philippines, cervical cancer is one of the most common forms of cancer that […]