• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno nakapag- recruit na ng health personnel para i- deploy sa NCR

NAKAPAG-RECRUIT na ang gobyerno ng mga health personnel na magsisilbing augmentation force ng mga health workers sa National Capital Region (NCR) na nagmula sa ibang rehiyon.

 

 

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pag- uusap nila ni Senador Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega.

 

 

Ani Sec. Roque, nasa nasabing pag- uusap nila ay nabanggit ni Usec Vega na nasa 60 porsiyento na ng kanilang target ang kanilang nare- recruit para makatuwang ng mga taga Metro Manila na mga medical workers.

 

 

” I don’t know the exact number. But last Saturday, we had a special meeting precisely with Executive Secretary and Senator Bong Go outside of the IATF meeting.

 

 

And that was where Usec. Vega said that they were able to hire 60% of their target personnel. So I will get the actual numbers but the percentage is what I remember from what Usec. Vega said, and this is rather good recruitment process of hiring 60% of the required number,” ayon kay Sec.Roque.

 

 

“Now, the 60% I think are even full-time plantilla positions ‘no. So I’m not sure about how many he has been able to recruit for temporary positions. I will find out,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya pa, batay sa kanyang pagkakaalam ay plantilla positions pa nga ang nakuha ng mga na- recruit na mga bagong government health personnel.

 

 

Ito aniya ay full-time plantilla positions habang aalamin din ani Roque niya kay Vega kung ilan na ang eksaktong nadagdag na medical force na target ng DOH ang naiposte na dito sa Metro Manila para magsilbing augmentation force ng mga NCR health personnel. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas magdedeploy ng panibagong barko sa Escoda Shoal

    TINIYAK ng Philippine Coast Guard (PCG) na plano ng Pilipinas na magdeploy muli ng panibagong barko sa Escoda Shoal, kapalit ng BRP Teresa Magbanua.     Matatandaang nitong Linggo ay bumalik at dumaong na ang BRP Teresa Magbanua sa pantalan ng Puerto Princesa, Palawan bunsod na rin ng kawalan ng sapat na suplay, gaya ng […]

  • Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay

    BILANG  pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay.     Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang […]

  • No. 7 top most wanted person ng NPD, nalambat sa Malabon

    BINITBIT sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang No. 7 top most wanted person sa Northern Police District (NPD) matapos madakip sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalaqa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado bilang si alyas “Beejay”, 41, construction worker, residente […]