• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GOBYERNO NG AMERIKA, HUMINGI NG DOKUMENTO SA COMELEC

HINILING ng gobyerno ng Amerika sa Commission on Elections (Comelec) na magbigay ng mga dokumento para sa kaso laban kay dating Comelec Chairman Andy Bautista na iniulat na nahaharap sa money-laundering at bribery charges sa Amerika.

 

 

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng ANC na nakipag-ugnayan ang US government at hiningi ang tulong ng Comelec.Aniya, hiniling ng gobyerno ng Amerika sa komisyon ang ilang mga dokuemnto at hiniling din na kunan ng pahayag ang ilang indibidwal mula sa komisyon .

 

 

Katunayan ayon sa poll chef, ang poll body ay tumulong at ganap na nakipagtulongan at ibinigay ang lahat ng hinihiling ng Amerika dahil nais aniyang maging transparent hanggat maari at ito ay para malaman ang katotohanan.Sinabi ni Garcia na bagamat hiningan sila ng ilang testimonya at dokumento, hindi sila na-inform tungkol sa background ng reklamo laban sa dating Comelec chairman.

 

 

Dahil dito, umapela si Garcia sa Amerika na magbigay ng impormasyon sa kaso na kinakaharap ni Bautista upang ang Comelec ay hindi nangangapa sa dilim.“Sana po ma-i-provide din sa amin para malaman natin what’s the real reason for the indictment, ‘yung puno’t dulo po para hindi naman in the dark a commission,“ dagdag pa ng poll chief.

 

 

Noong Lunes, ibinunyag ni Garcia na bumuo ng fact-finding task force upang suriin lahat ng kontrata at maghanap ng mga kaugnay na impormasyon kaugnay sa pagbili ng automated election system (AES) machines noong 2016.Itinanggi ni Bautista ang alegasyon sa X o dating Twitter.

 

 

Sinabi nito na handa niyang sagutin ang umanoy mga kaso laban sa kanya sa tamang forum at oras.  GENE ADSUARA 

Other News
  • Pagkakaisa at sigla pa rin ng sports asam ni Milby

    DINADALANGIN ni Philippine Rugby Football Union (PRFU) secretary general at national rugby team member Ada Milby ang pagkakaisa at masiglang PH sports sa kabila na may pandemya pa rin.     Siya ang unang babaeng naging kasalukuyang kasapi ng World Rugby Council WRC) kahit hindi pinalad na manalo bilang second vice president ng Philippine Olympic […]

  • 4,084 bagong pasyente na tinamaan ng COVID-19 sa PH; 21 labs bigong magsumite ng datos sa DOH

    Maraming mga COVID laboratory ang nabigong makapagsumite ng kanilang mga datos na umaabot sa 21 dahil sa pagiging holiday nitong nakalipas na wekeend.     Meron ding dalawang mga laboratoryo ang hindi operational.     Kaya naman ang datos sa bagong mga kaso na nahawa sa coronavirus sa boung Pilipinas sa daily tally ng Department […]

  • Nadal, nag-anunsyo ng pagreretiro, matapos talunin ni Lehecka sa Madrid Open

    Nag-anunsyo na ng pagreretiro ang 22-time Grand Slam champion na si Rafa Nadal matapos mabigo kay Czech Jiri Lehecka sa Madrid Open nitong Martes.       Ito na umano ang kanyang huling pagpapakita sa isang torneo.       Nabatid na nanalo siya ng limang beses sa Madrid Open sa mga nakalipas na taon. […]