• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno ng Pilipinas, naghahanda na para ialis ang mga Pinoy sa Sudan

GINAGAWA na ng pamahalaan ang kailangang paghahanda para ialis  ang mga Filipino sa Sudan  kasunod ng idineklarang 72-hour ceasefire roon.

 

 

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang idineklarang 72-hour ceasefire ay makapagbibigay  ng oportunidad o pagkakataon para maibalik sa Pilipinas ang mga Filipinong naipit sa war-torn country.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos makipagpulong sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND) hinggil sa kasalukuyang mga usapin kabilang na ang situwasyon sa  Sudan partikular na ang gagawing pagpagpapauwi ng ligtas ng pamahalaan sa mga Filipino roon.

 

 

“Right now, we are hoping that the 72-hour ceasefire that has been declared will hold and we will — we are preparing ourselves,” ayon sa Pangulo.

 

 

“So we’re trying — we’re watching this situation very, very closely and to see if there’s a window of opportunity na mailabas natin ang mga Philippine nationals natin,” dagdag na wika ng Chief Executive.

 

 

Tinuran ng Pangulo na patungo na si  Migrant Workers Secretary Susan Ople sa rehiyon “in anticipation of the ceasefire effectivity, hoping to take advantage of the lull in the fighting to move people out of Sudan.”

 

 

“Mailabas natin ang mga tao natin. So that’s what we’re working on now. Ang mahirap is that even the land routes are not completely safe. As yet, ‘yung mga airport binomba pa, hindi talaga magamit. So we are still trying to find alternative ways,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Idinagdag pa nito na  tinitingnan ng gobyerno ng Pilipinas ang Saudi Arabia at Djibouti sa East Africa sa kabila ng original plan na dalhin ang  mga Filipino sa Cairo, Egypt,  sa kabila ng mas matagal na ruta kumpara sa ibang lokasyon.

 

 

Inanunsyo ng Estados Unidos, araw ng Lunes na ang naglalabanang paksyon sa Sudan ay sumang-ayon sa 72-hour ceasefire simula ng hatinggabi ng Abril 24.

 

 

Sinabi naman ni US Secretary of State Anthony Blinken na ang kasunduan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces (SAF), at Rapid Support Forces (RSF) ay nabuo kasunod ng matinding negosasyon.

 

 

Ang Estados Unidos ayon kay  Blinken ay makikipag-ugnayan sa regional at international partners, at Sudanese civilian stakeholders para tumulong sa paglikha ng komite na mangangasiwa sa  negosasyon, konklusyon at implementasyon ng  isang  permanent cessation of hostilities at humanitarian arrangements sa Sudan.  (Daris Jose)

Other News
  • DOTr naghahanap ng karagdagan pondo upang ipagpatuloy ang libreng sakay sa EDSA Carousel

    NAGHAHANAP ng karagdagan pondo ang Department of Transportation (DOTr) na nagkakahalaga ng P1.4 billion upang maipagpatuloy ang programang libreng sakay sa EDSA Carousel.       “The libreng sakay program demands a certain funding If we want to implement the free bus rides until December, we will need additional funding of around P1.4 billion, which […]

  • P20 milyong shabu nasamsam ng PNP, PDEA

    UMISKOR  ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang maaresto ang dalawang big-time drug traffickers kung saan nasamsam sa kanila ang nasa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng  mahigit P20 milyon sa isinagawang drugs operation sa Quezon City, kamakalawa.     Kinilala ni PNP Chief P/Gen. […]

  • LEBRON AT GREEN, NAGBIRUAN NA MAKAKABISITA NA RIN SILA SA WHITE HOUSE

    MATAPOS makumpirma ang panalo nina Joe Biden at Kamala Harris bilang next president at vice president agad na nangantiyaw si Warriors star Draymond Green.   Sa kantiyang tweeter message ipinaabot niya ang mensahe kay Lakers superstar LeBron James.   Ayon kay Green, sa wakas lahat daw ay makakapunta na rin sa White House.   Kung […]