GOBYERNO NG PINAS, HIHIRAM NG $300 MILLION PARA BUMILI NG BAKUNA LABAN SA COVID -19
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
HIHIRAM ang gobyerno ng Pilipinas ng $300 million para bumili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi ay sinabi nito na prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ang mga mahihirap at dedma sa Class ABC.
“[Finance Secretary Carlos Dominguez III] says that he can borrow money of $300 million plus… Makapamili tayo but I think it would do as well to also realize that unahin talaga nila (vaccine manufacturers), ‘yung mga tao nila,” ayon sa Pangulo.
“Sa ngayon, magbili ka. Mahal. As I have promised, gastos ng gobyerno itong bakuna para sa lahat ng Pilipino kaya nga uumpisahan natin sa mga mahihirap pataas. . . . Iyong A,B crowd hindi na tayo mag gastos dyan kasi mga milyonaryo na yan,” diing pahayag nito.
Matatandaang, inatasan ni Pangulong Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na iprayoridad ang mga mahihirap na Pilipino sa mga makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi kasi ni Galvez na ang COVID-19 immunization pro- gram ay magiging patas sa lahat, mayaman man o mahirap.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga mahihirap na benepisyaryo sa ilalim ng cash subsidy program ng pamahalaan ang dapat maunang mababakunahan.
Katwiran pa ng Pangulo, kaya naman ng mga mayayaman na bumili ng sarili nilang bakuna.
Kaugnay nito, iprinisenta ni Galvez kay Pangulong Duterte ang ‘Philippine National Vaccine Roadmap’ kung saan magiging time-based at objective-based.
Bago ito, sinabi ni Pangulong Duterte na tanging si Galvez lamang ang awtorisadong opisyal para makikipagnegosasyon para vaccine supply ng bansa.
Nais din ng Pangulo na dumaan ang pagbili ng bakuna sa ilalim ng government-to-government arrangement. (Daris Jose)
-
Dahil hindi pa tapos ang buhay… GELLI, hoping pa rin sa KathNiel dahil nagkabalikan sila ni ARIEL nang mag-break
ANG huling proyekto ni Gelli de Belen ay ang ‘2 Good 2 Be True’ ng Kapamilya Channel noong 2022. Bida rito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na tulad ng alam na ng lahat ay hiwalay na matapos ang labing-isang taong relasyon. Hiningan namin si Gelli ng reaksyon tungkol sa breakup […]
-
Pag-unfollow ni PAOLO kay LJ, effective dahil nag-number one sa Netflix ang movie nila ni YEN
GIMIK man o totoong may “something” o may pinagdaraanan ngayon ang mag-partner na sina Paolo Contis at LJ Reyes dahil sa pagkaka-unfollow ni Paolo sa Instagram ni LJ at pagdi-delete rin ng mga pictures nila, ang sigurado, epektibo ang nangyari. Effective dahil ang movie ni Paolo ngayon sa Netflix na A Far Away Land katambal […]
-
Eerie Revelation: ‘The First Omen’ Trailer and Poster Unveiled!
GET a glimpse of 20th Century Studios’ ‘The First Omen’, a prequel to the iconic horror series. Set for an exclusive April 2024 cinema release, this psychological horror promises to chill and thrill. Starring Nell Tiger Free and more, directed by Arkasha Stevenson. April 2024 will mark the return of a horror legend to the […]