Diaz buhos training lang sa Malaysia
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
WALA pa sa isipan ni national weightlifting star Hidilyn Diaz ang pag uwi sa Pilipinas.
Mas pokus siya na makapag- training upang paghandaan ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.
Inabot na ng anim na buwang stranded ang 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa coronavirus disease.
“Saka na lang muna iyong pag-uwi, importante kasi diyan ‘yung safety talaga,” bulalas ng sundalong national athlete soldier ng Philippine Air Force (PAF).
Pokus lang sa ensayo ang 29- anyos may taas na 4-11 at tubong Zamboanga City dahil determinadong sungkitin ang unang gold medal ng mga Pinoy sa 97 na taon sa quadrennial sportsfest.
“Continue pa rin ‘yung training, nandoon pa rin iyong desire kong i-represent ang country natin sa Olympics, nandoon pa rin iyong motivation ko,” panapos na wika ng weightlifter.
Isang Olympic qualifying tournament na lang ang kailangan salihan ni Diaz para opisyal na makakopo ng Tokyo Olympics slot. (REC)