Gobyerno on track sa laban vs kahirapan, gutom
- Published on November 24, 2023
- by @peoplesbalita
ANG RESULTA ng isang recent survey na nagbanggit ng bahagyang pagbaba nang mahigit isang milyong pamilyang nakararanas ng gutom at kahirapan ay patunay na epektibo ang mga direktiba at programa ng gobyerno sa sektor ng agrikultura.
Ito ay ayon kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, na ginawa ang pahayag matapos iulat ng OCTA Research na mahigit 1.3 milyong pamilya ang nakaraos sa gutom, samantalang 1 milyong pamilya naman ang umangat mula kahirapan.
“We defied the odds,” pahayag ni Santos, nang pinuri niya ang mga direktiba ng Malacanang na kontrahin ang rice hoarding, tanggalin ang pass-through fees, palakasin ang produksyon ng mga Pilipinong magsasaka at ibenta ang NFA rice nang mura sa merkado.
Sinabayan pa ito ng targeted na ayuda sa mga namamasada ng pampublikong sasakyan at pagbuhos ng production support tulad ng abono and binhi sa mga magsasaka.
Isinagawa ang survey noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 4. Matatandaan na naharap ang bansa sa samu’t saring krisis tulad ng El Niño at nakaambang pagtaas ng presyo ng langis at bigas.
Ngunit sa kabila nito, tumaas nang 5.9% ang Gross Domestic Product ng Pilipinas at bumagsak sa 4.9% ang inflation.
Ayon kay Santos, bumalik din ang tiwala ng mga negosyante at foreign investors na nahikayat maglagak ng kapital sa ating bansa bunsod ng tamang polisiya at direksyon ng goberyno.
Aniya, inaasahan ding mas determinado na ang Malacanang mga polisiya nito tungo sa mas masaganang sektor ng agrikultura at tuloy-tuloy na pag-angat ng mga Pilipino mula sa kahirapan. (Daris Jose)
-
PDu30, payag na sa ospital na lamang magsuot ng face shield
KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na payag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa ospital na lamang magsuot ng face shield. “I can only confirm what Senate President Tito Sotto and what Senator Joel Villanueva said earlier that the President did say.. that the wearing of face shield should only be in hospitals,” […]
-
NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION PENALTY, IPATAW sa DRIVER!
Maganda at napapanahong ipatupad ang No-Contact-Traffic Apprehension upang mabawasan ang pangongotong sa lansangan at face-to-face ng enforcer at driver. Inaasahang nadidisiplina nang husto ang mga driver dahil kahit walang tagahuli ay makukunan ang violator gamit ang mga cctv at digital cameras. Kung paniniwalaan ang mga datos ng MMDA at LGUs na nagpapatupad ng no-contact-apprehension […]
-
Newsome lider na sa Bolts
MAY panibagong responsibilidad na papasanin si Christopher Elijah ‘Chris’ Newsome dahi sal pagkaawala ni teammate Baser Amer para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 na sisiklab sa Abril 9. Ito ang pinabalikat ni Norman Black para sa versatile player na magiging point guard mula sa pagiging shooting guard/forward ng Meralco. […]