• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, siniguro sa mga Pinoy seafarers na makababalik sa kanilang trabaho matapos na tamaan at makarekober sa COVID- 19

INALIS ng gobyerno ang pangamba ng mga Pinoy seafarers na baka hindi na sila tanggapin pa ng kanilang employer makaraang kapitan ng corona virus at nakarekober.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, binanggit ni DOLE Secretary Silvestre Bello na hindi problema ang employment opportunity para sa mga kababayan nating seaman.

 

Ayon naman kay Sec.Bello, napakataas ng upskilling level at employability ng mga Filipino seafarers at hinahabol habol aniya ito ng mga employers.

 

“Ay, hindi po! Hindi po. Not to a least from my experience, ang ating mga OFWs, iyong mga seafarers natin kagaya ng sinabi ko, hinahabol. Hinahabol iyong ating mga seafarers just like iyong mga nurses natin, naku hinahabol. May pending request from the Germany, 15,000 nurses. Ganoon karami ang ano… how preferred our nurses and our seafarers. Don’t worry, Melo, iyong ating mga seafarers iyong kanilang employability at saka iyong kanilang upskilling level napakataas kaya hindi problema iyong kanilang employment opportunity,” lahad nito.

 

Giit nito, wala aniya itong pinag- iba sa mga Pinoy nurse na sa katunayan ay in demand din gaya na lamang sa Germany na ang kailangan ay nasa 15 libo.

 

Dahilan upang walang dapat na ipag- alala ang mga Pilipinong magdaragat gayung most preferred seafarers in the world aniya ang Pinoy seamen. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads September 5, 2020

  • MMDA: Modified number coding scheme suspendido pa rin

    Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng modified number coding scheme sa Metro Manila simula noong Lunes.   “The agency deferred its implementation amid the limited capacity of public transportation in Metro Manila, which remains under general community quarantine (GCQ) until June 15,”   Ayon kay Pialago, ang number coding scheme ay […]

  • PBBM, balik-Pinas matapos ang inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto

    BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Lunes ng umaga matapos makiisa sa inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto.     Sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ay lumapag sa Maynila ng alas-5 ng madaling araw, ayon sa Communications Secretary Cesar Chavez.     Nakiisa ang First Couple sa ibang world leaders […]