• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, target na gawing fully vaccinated ang 77 milyong Pinoy bago sumapit ang eleksyon sa Mayo

PIPILITIN ng gobyerno na mapagtagumpayan ang target nitong mabakunahan laban sa covid 19 ang 77 milyong adults bago pa sumapit ang pinaka-aabangan na May 9, 2022 elections.

 

 

Ang anunsyo na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na isiwalat ng pamahalaan ang bago nitong target para protektahan ang mga botante na magpapartisipa sa halalan mula sa COVID-19.

 

 

Ani Nograles, gagawin lahat ng pamahalaan para makamit ang target nitong bilang ng pagbabakuna.

 

 

“Ito po ‘yung aming isusulong talaga na marating natin iyon,” ani Nograles.

 

 

“If not by the end of the first quarter [of] 2022, at least before the May elections na 77 million na target natin, kasama at kabilang na po doon ang adult population,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna nang nagtakda ang gobyerno na gawing fully vaccinated ang 54 milyong adult population bago matapos ang taong 2021. ang target ay nakamit lamang noong nakaraang linggo.

 

 

“As of January 18,” nakapagturok na ang pamahalaan ng 120,645,514 doses ng COVID-19 vaccines.

 

 

“So far, a total of 56,027,759 Filipinos have been fully vaccinated while 5,362,518 have received their booster shots,” ayon kay Nograles.

 

 

Sa kasalukuyan, patuloy na nakiikipagpambuno ang Pilipinas sa surge ng COVID-19 cases, posibleng nagatungan ng mas nakahahawang Omicron variant. Sa mga nakalipas na araw, ang bansa ay nakapagtala ng 30,000 cases daily.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ng Malakanyang ang publiko na manatiling sundin ang minimum public health standards gaya ng tamang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at physical distancing.

Other News
  • Rep. Camille Villar, nagbabala sa publiko hinggil sa mga scammers na ginagamit ang kanyang pangalan

    NAGBABALA sa publiko si Las Pinas Rep. Camille Villar sa mga scammers na nagpapakilala o nagi-impersonate sa mambabatas. “It has come to my attention that several persons or entities have been unscrupulously using my name and pretending to be my representatives to defraud unwitting victims,” ani Villar. Nag-aalok ang nagpapakilalang kongresista ng business opportunities o […]

  • Desisyon ni PBBM sa pagtaas ng 5% sa PhilHealth premium, ‘very soon’

    VERY SOON!     Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang tanungin kung kailan siya magdedesisyon ukol sa pagpapatupad ng Philippine Health Insurance Corp.’s (PhilHealth) 5-percent premium rate increase.     “It’s still under study but we’ll come to a conclusion very very soon,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview […]

  • Malakanyang, niresbakan ang patutsada ng isang numero unong kritiko ni PDu30

    BINUWELTAHAN ng Malakanyang ang malisyosong puna ng numero unong kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang sandaling puntahan ng huli ang isang mall, araw ng Sabado.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-sidetrip lang ang Pangulo sa isang mall kasama si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go matapos na maghain ng kanyang Certificate of […]