• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, target na malampasan ang 100% rice self-sufficiency- PBBM

TARGET ng pamahalaan na malampasan ang 100-percent rice self-sufficiency gamit ang agricultural initiatives nito.

 

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang weekly vlog na ipinalabas, araw ng Sabado.

 

 

Sinabi ng Pangulo na itinutulak ng kanyang administrasyon ang iba’t ibang proyekto at programa na makatutulong sa mga Filipino na malampasan ang kahirapan at pagkagutom gaya ng farm mechanization para makatulong na mahigitan ang rice self-sufficiency target.

 

 

“Sapat at murang pagkain pa rin ang siyang tanging magpapalaya sa atin sa gutom. Kung kaya’t walang tigil ang paglulunsad ng mga ganitong programa sa ating mga agricultural regions,” ani Pangulong Marcos sa kanyang  official Facebook account.

 

 

“Kapag matagumpay ito, buong bansa ang makikinabang at maaaring mahihigitan pa natin ang  100-percent rice self-sufficiency,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

 

 

Matatandaang inaprubahan  ni Pangulong Marcos  ang  Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) na naglalayong makamit ang pinakamataas na posibleng rice sufficiency level sa pamamagitan ng paggamit ng ilang estratehiya.

 

 

Sinabi ng Pangulo na maliban sa pag-improve sa agricultural production ng bansa, dapat ding tiyakin ang kapakanan ng mga magsasakang Filipino

 

 

Sa ilalim ng MRIDP, “strategies would be carried out to support rice farmers, increase rice production, and strengthen the rice value chain.”

 

 

Sinabi ng Chief Executive na pinaigting ng pamahalaan ang pagsisikap nito para makamit ang 97.4% rice self-sufficiency target sa bansa.

 

 

Binigyang diin ang kanyang pangako na magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Filipino, sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagbibigay hindi lamang ng financial aid kundi maging  livelihood assistance.

 

 

Tinukoy ng Pangulo ang  farming mechanization distribution ng DA,  livelihood at government  internahip programs ng Department of Labor and Employment (DoLE), “Pangkabuhayan” sa Pagbangon at Ginhawa” Program ng Department of Trade and Industry (DTI) at scholarship para sa trading for work program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 

 

“Ang paglaya mula sa kahirapan ay isang patuloy na digmaan na hinaharap ng ating pamahalaan. Kaya ang distribusyon ng tulong na pansamantalang umaalalay sa ating mga kababayan ay hindi mawawala. Ito ang mga maagarang lunas na nakakapagdala ng ginhawa sa libu-libong pamilyang Pilipino,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ito ay hindi lang mga ayuda na salapi kundi ayuda ng pagkakataon para sa mamamayang Pilipino nang mabigyan sila ng pagkakataon na makapaghanapbuhay at hindi lang umaasa na tumatanggap ng biyaya,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Winika pa ng Pangulo na committed ang pamahalaan na muling pasiglahin ang ekonomiya ng bansa para makalikha pa ng mas maraming job opportunities.

 

 

Sinabi nito na ang “healthy” relations sa mga foreign allies at paghikayat ng mas  investments ay mahalaga sa pagkamit ng economic transformation bid ng kanyang administrasyon.

 

 

“Pagkakaisa at pagkakaibigan sa mga bansang minsa’y naging bahagi ng ating kasaysayan [ang sagot] upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga masisipag, magigiting at talentadong mga Pinoy ,” ayon sa Pangulo.  (Daris Jose)

Other News
  • Bong Go, tinanggalan din ng security escort

    ISINIWALAT ni Sen. Bong Go na hindi lamang si Vice President Sara Duterte ang tinanggalan ng PNP ng security personnel sa pagsasabing maging siya ay dumanas din nito.       Sinabi ni Go na tatlong linggo na ang nakalilipas ay tinanggalan din siya ng security ng PNP na kanya ring ikinabigla.       […]

  • Pacers, patuloy ang paghahanap ng bagong coach

    Patuloy pa rin ang paghahanap ng Indiana Pacers ng head coach.   Ito ay matapos ang isang linggong pagsibak kay Nate McMillan bilang head coach ng koponan matapos ang pagkabigo nila sa NBA playoffs.   Sinabi ni Pacers team president Kevin Pritchard, na ang katangian ng coach na kanilang hinahanap ay yung kayang dalhin ang […]

  • LTFRB, nagbabala sa mga PUV driver na naniningil ng sobra sa sapat na pamasahe

    NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper ng public utility vehicle hinggil sa overcharging sa pasahero ng ilan sa mga ito.     Kasunod ito ng isang insidente kung saan siningil ng tripleng halaga ng normal na pamasahe ang K-pop boy band member na si Joshua Hong noong […]