Gobyernong Duterte, hindi pinaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng PPE -Galvez
- Published on September 14, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng pamahalaan na hindi nito pinapaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng personal protective equipment (PPE).
”Noong panahon po na iyon, kahit na ang US, Canada at mga western countries, wala pong makunan ng face masks at PPEs—kumukuha po sila sa China. Hindi po natin fine-favor ang China kasi kung tutuusin po, wala po tayong capacity to pro- duce PPEs at the time ,” ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force against Covid-19.
Ani Galvez, ang mabilis na delivery ng PPE sets sa pagsisimula ng pandemiya sa bansa ay mahalaga upang kagyat na mabigyan ng proteksyon ang mga healthcare workers laban sa nakamamatay na virus.
Bunsod ng nakalululang situwasyon, hiniling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dagdagan ang logistical capabilities sa Department of Health (DOH).
Ginamit ang C-130 ng AFP para kunin ang mga delivery ng PPE sets.
”Bakit natin ginamit ang C130? Kasi po sabi ng supplier, kapag papatay-patay kayo, mawawala ‘yung supply, kukunin ng ibang countries, kasi nag-aagawan po ng supply eh. Wala pong lumilipad na eroplano noon kasi naka-lockdown po tayo,” ayon kay Galvez.
Ang PPE sets aniya ay inilagak sa Camp Aguinaldo in Quezon City.
”Wala pong warehouse ang DOH sa pag-iimbak ng mga PPE ,” aniya pa rin.
Aniya pa, karamihan sa mga per- sonnel ng DoH ay nahawa na ng Covid-19 noong panahon na iyon.
Ang desisyon naman ng pamahalaan ay batay sa “whole- of-government approach” Covid-19 response. (Daris Jose)
-
Robredo, nagdaos ng thanksgiving para sa mga supporters, volunteers
NAGDAOS araw ng Biyernes, Mayo 13 ng thanksgiving event si Vice President Leni Robredo kasama ang buong Angat Buhay team sa Ateneo de Manila University (AdMU) campus. Tinawag na “Tayo ang Liwanag”, sinabi ni Robredo na layon nito na ipaabot ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga supporters at volunteers na sumama sa kanyang […]
-
Gobyerno, may ginagawa nang paghahanda para matiyak na hindi makapapasok sa bansa ang bagong variant
TINIYAK ng Malakanyang na may ginagawa nang paghahanda ang pamahalaan para masigurong hindi makapapasok sa bansa ang napaulat na bagong variant ng COVID-19 na Lambda variant na una ng natukoy sa Peru. “Alam mo, lilinawin ko pa ho. Kahit ano pang variant ‘yan, kapareho po ang ating katugunan. Unang-una, iyong ating border control, pinagbabawalan […]
-
PBBM, hindi alam kung paano maging Pangulo- VP Sara
MATAPANG na sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung paano maging Pangulo ng Pilipinas kaya’t hindi na kataka-taka kung ang bansa ay “on this road to hell”. “Hindi ko kasalanan that we’re on this road to hell… Hindi marunong maging presidente ang nakaupo. Kasalanan ko […]