Gobyernong Duterte, walang balak magpatupad ng toll sa EDSA
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG balak ang pamahalaan na magpatupad ng toll sa EDSA sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kamakailan kasi ay ipinanukala ng isang transportation consultant ang implementasyon ng toll o electronic road pricing sa main thoroughfare.
“Wala pong ganoong initiative sa pamahalaan ni Presidente Duterte. Kung meron man, sa ibang presidente po yun,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, ipinaliwanag ni Transportation road sector senior consultant Alberto Suansing na layon ng ahensiya na resolba ang traffic congestion sa EDSA tuwing rush hour, kung saan nararanasan ito mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.
Dagdag ni Suansing, panukala pa umano ito sa panahon ni dating MMDA Chairman Benjamin Abalos.
“How does it work? Kagaya sa Singapore, mayroong kalsada doon na hindi ka pwedeng dumaan during peak hours. kung dadaan ka, magbabayad ka. as simple as that. ‘Yan ang road pricing,” sabi ni Suansing.
“Dinidiscourage natin ang paggamit ng certain roads at certain times. ‘Yan ang rationale behind that,” sabi pa ni Suansing.
Gayundin, gagamitan ng radio frequency identification (RFID) ang paniningil ng toll fee, ayon kay Suansing.
Subalit, binigyang-diin ni Suansing, na kailangan at dapat na ayusin muna ang pampublikong transportasyon sa bansa, bago ito maipatupad sa ngayon.
“Hindi magiging makatwiran sa motorista ‘yan na i-implement, tapos wala ka namang may maio-offer na maayos na alternative. Maayos na public transport system,” ayon kay Suansing.
Samantala, nilinaw ng DOTr sa isang pahayag, na hindi pa pormal na napag-uusapan ng kasalukuyang pamunuan ang iminungkahing toll fee sa EDSA.
“This is an idea/concept suggested by various stakeholders, but has not been formally discussed yet by the present DOTr administration,” ayon sa statement.
Kaugnay nito, binasura naman ng Department of Transportation, sa ilalim ng liderato ni Sec.Arthur Tugade ang nasabing proposal.
Samantala, pinalagan ng ilang motorista ang iminungkahi ng gobyerno na paglalagay ng toll gate sa EDSA tuwing rush hour.
Mariing tinututulan ng mga motorista ang pagkakaroon ng toll fee, pati na rin mga pasahero dahil anila, dagdag na gastos at pahirap na naman ito lalo na’t unti-unti pa lang nakababawi sa pamumuhay ang karamihan sanhi ng pandemya ng coronavirus. (Daris Jose)
-
Mga negosyo pautangin para makabayad ng 13th month pay
UPANG hindi naman mag-Paskong tuyo ang pamil-ya ng mga empleyado, iminungkahi ni 2ndDistrict Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan na pautangin ang mga kumpanyang pinadapa ng COVID- 19 pandemic upang maibigay ang inaasahang 13th month pay. Ito’y sa gitna na rin ng pahayag ng maraming mga kumpanya na mahihirapan silang maibigay ang 13th month […]
-
Sen. IMEE, isi-share ang style secrets at mga proseso sa paggawa ng batas
ISA na namang weekend na hitik sa tawanan at mahalahagang bagong impormasyon kasama si Senator Imee Marcos ang matutunghayan sa premiere ng dalawang bagong vlogs na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel. Sa araw na ito, Oktubre 21, ibabahagi ni Sen. Imee ang kanyang style secrets sa pagpapanatili ng kagandahan ng kanyang […]
-
Okey lang sa netizens kung si Ella gaganap na Irene: CRISTINE, napiling gumanap na IMEE pero mas bagay kay TONI o AIAI
IN-ANNOUNCE na ni Direk Darryl Yap sa kanyang social media account na si Cristine Reyes ang napiling gumanap bilang Imee Marcos at si Ella Cruz naman ang gaganap na Irene Marcos sa upcoming Viva Films na “Maid in Malacañang”. Nauna nang ipinaalam na si Ruffa Gutierrez ang gaganap bilang si Imelda Marcos habang […]