• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyernong Duterte, walang balak magpatupad ng toll sa EDSA

WALANG balak ang pamahalaan na magpatupad ng toll sa EDSA sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Kamakailan kasi ay ipinanukala ng isang transportation consultant ang implementasyon ng  toll o electronic road pricing sa  main thoroughfare.

 

“Wala pong ganoong initiative sa pamahalaan ni Presidente Duterte. Kung meron man, sa ibang presidente po yun,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sa ulat, ipinaliwanag ni Transportation road sector senior consultant Alberto Suansing na layon ng ahensiya na resolba ang traffic congestion sa EDSA tuwing rush hour, kung saan nararanasan ito mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

 

Dagdag ni Suansing, panukala pa umano ito sa panahon ni dating MMDA Chairman Benjamin Abalos.

 

“How does it work? Kagaya sa Singapore, mayroong kalsada doon na hindi ka pwedeng dumaan during peak hours. kung dadaan ka, magbabayad ka. as simple as that. ‘Yan ang road pricing,” sabi ni Suansing.

 

“Dinidiscourage natin ang paggamit ng certain roads at certain times. ‘Yan ang rationale behind that,” sabi pa ni Suansing.

 

Gayundin, gagamitan ng radio frequency identification (RFID) ang paniningil ng toll fee, ayon kay Suansing.

 

Subalit, binigyang-diin ni Suansing, na kailangan at dapat na ayusin muna ang pampublikong transportasyon sa bansa, bago ito maipatupad sa ngayon.

 

“Hindi magiging makatwiran sa motorista ‘yan na i-implement, tapos wala ka namang may maio-offer na maayos na alternative. Maayos na public transport system,” ayon kay Suansing.

 

Samantala, nilinaw ng DOTr sa isang pahayag, na hindi pa pormal na napag-uusapan ng kasalukuyang pamunuan ang iminungkahing toll fee sa EDSA.

 

“This is an idea/concept suggested by various stakeholders, but has not been formally discussed yet by the present DOTr administration,” ayon sa statement.

 

Kaugnay nito, binasura naman ng Department of Transportation, sa ilalim ng  liderato ni Sec.Arthur Tugade ang nasabing  proposal.

 

Samantala, pinalagan ng ilang motorista ang iminungkahi ng gobyerno na paglalagay ng toll gate sa EDSA tuwing rush hour.

 

Mariing tinututulan ng mga motorista ang pagkakaroon ng toll fee, pati na rin mga pasahero dahil anila, dagdag na gastos at pahirap na naman ito lalo na’t unti-unti pa lang nakababawi sa pamumuhay ang karamihan sanhi ng pandemya ng coronavirus. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 14, 2022

  • Doon ang taping ng reality-game show na ‘Running Man PH’: GLAIZA, naging emosyonal nang malamang pupunta sila sa South Korea

    NAGBIBILANG na ang netizens kung ilang gabi na lamang nilang mapapanood ang magtatapos na hit GMA primetime series na First Lady tampok sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.     Sunud-sunod na kasi ang mga pangyayari na talaga namang kakabahan ang mga viewers, at naghihintay sila lagi kung ano ang susunod na pasabog. Kaya naman, […]

  • WBC kinilala ang galing nina Donaire at Magsayo

    Labis ang kasiyahan ng dalawang Filipino boxers matapos na sila ay kinilala ng World Boxing Council (WBC) dahil sa kanilang tagumpay ngayong 2021.     Kinabibilangan ito nina Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr at Mark “Magnifico” Magsayo.     Kinilala si Donaire bilang “Comeback of the Year” habang si Magsayo naman ay kinilalang “Prospect […]