• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyernong PBBM, may plano sa mga retailers na apektado ng rice price ceiling

MAY plano ang gobyerno sa mga rice retailers na labis na maaapektuhan ng price ceiling sa nasabing paninda.

 

 

Bago lumipad patungong Jakarta, Indonesia para magpartisipa sa  43rd ASEAN Summit, pinangunahan muna ni Pangulong Marcos ang isang pagpupulong kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa  State Dining Room sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Sa kanyang  departure speech, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na naiintindihan ng gobyerno ang mga alalahanin ng mga  rice retailers. Nangako ang Pangulo na magiging available ang tulong para sa mga ito upang hindi sila mawalan ng kita.

 

 

“Naunawaan namin kaagad, mula sa simula ng usapan tungkol sa price control sa bigas, naunawaan na namin at nakita na kaagad na mayroong mga retailer na maiipit dahil sila ay bumili ng mahal ng bigas,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Ngayon ay mapipilitan sila maipagbili ‘yung mahal na bigas sa murang halaga, kaya’t alam namin ‘yun. Kaya gumawa kami, meron kaming plano,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, sa nasabing pagpupulong, tinalakay ni  Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino Jr.  ang iba’t ibang alalahanin na isinatinig ng mga “retailers, traders at farmers cooperatives” at maging ang tulong na kanilang hangad mula sa pamahalaan.

 

 

Kabilang sa mga panukalang hakbang para  pagaanin ang  epekto sa  mga retailers ay financial assistance sa wet markets at tinatawag na  “neighborhood sundry stores” , “to cover the difference between the cost of the current inventory of rice and the price ceiling; some loan programs; and logistics support like providing government transportation for transferring sacks of rice from traders to retailers or wholesalers,” ayon sa DTI.

 

 

Pinag-usapan din ng mga ito ang “market linkages at support” gaya ng maugnay sa  local rice farmers na may supermarket chains at iba pang retailers, maghanap ng alternatibong pamilihan at  Kadiwa-Diskwento Caravan.

 

 

Sinabi nama ng Presidential Communications Office (PCO) na inatasan ni Pangulong  Marcos ang  DTI  na madaliin ang pamamahagi ng tulong.

 

 

Kaugnay nito, ipinag-utos naman ni  DTI Secretary Alfredo Pascual ang paglikha ng  Special Task Force na magsisiguro ng epektibong implementasyon ng EO.

 

 

“Sa mga kasamahan ko sa DTI na naka-assign sa rice task force, sama-sama nating gampanan ang ating tungkulin nang maayos at mahusay,” ayon kay Pascual.

 

 

Samantala, sumang-ayon naman ang mga miyembro ng  Special Task Force na simulan  ang “profiling at validation” in sa pakikipagtulungan sa DA, local government units, at Local Price Coordinating Councils (LPCCs).

 

 

Gayundin, gagamitin naman ng DTI  ang  mga asosasyon para  mangalap ng listahan ng retailers at maayos na i- identify ang potential beneficiary.

 

 

Sa kanyang naging talumpati, binanggit ni Pangulong  Marcos na kapuwa naghahanda na ang Department of Agriculture at  DA  ng listahan ng rice retailers na mabibigyan ng tulong.

 

 

Ipinresenta naman ni  Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang panukalang  livelihood assistance o  Sustainable Livelihood Program (SLP) para sa mga small-scale rice retailers, at ang panukalang  social safety net para sa apektadong  rice retailers.

 

 

Aniya, inatasan sila ni Pangulong Marcos  na gamitin ang kanilang “sustainable livelihood program” para tulungan ang  mga  rice traders at retailers sa ilalim ng “capital build-up” mandato ng  programa.

 

 

“Napag-usapan namin ng Pangulo kaninang umaga na gagamitin ulit ‘yung sustainable livelihood program ng DSWD para naman magtulungan ‘yung ating mga maliliit na mga retailers na naapektuhan nitong pansamantala na Executive Order o ‘yung price cap sa bigas,” ayon sa Kalihim.

 

 

Winika pa nito na tanging ang mga small rice traders at retailers, o vulnerable groups lamang ang makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.  (Daris Jose)

Other News
  • P120 MILYON POULTRY, SEAFOODS PRODUCT, NASABAT NG BOC

    AABOT na P120 milyong halaga ng poultry,seafood products  ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa serye ng isinagawang pagsalakay sa pitong bodega sa Navotas City kamakailan.     Katuwang ng BOC SA pagsalakay ang  Investigation Service at the Manila International Container Port (CIIS-MICP), Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), National Meat Inspection Service […]

  • VOTER’S REGISTRATION, HINDI PALALAWIGIN

    HINDI palalawigin ang voter registration  para sa darating na halalan 2022, ayon sa Commission on Elections (Comelec).     Binigyan diin ni  Comelec Commissioner Rowena Guanzon  na  ang pagpapatala para sa May 9, 2022 elections ay hanggang Setyembre 30 na lamang at hindi na ito palawigin pa.     Paalala ng Comelec, maaaring magpatala ang […]

  • Catch the ‘Kilig’ Moments of the New Love Team of Paulo Avelino and Janine Gutierrez in ‘Ngayon Kaya’

    FOLLOWING the beloved cinema tradition of onscreen pairings, a new love team is born in the tandem of Paulo Avelino and Janine Gutierrez who are starring in their first film together entitled Ngayon Kaya.     In this movie directed by Prime Cruz and written by Jen Chuaunsu (the creative duo behind romantic masterpieces Isa […]