Gold kay Junna Tsukii
- Published on May 5, 2021
- by @peoplesbalita
Pinalakas ni national karateka Junna Tsukii ang kanyang pag-asang makasipa ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Ito ay matapos talunin ni Tsukii si Moldir Zhangbyr-bay ng Kazakhstan, 2-0 sa final round ng women’s -50 kilogram kumite at angkinin ang gold medal sa 2021 Karate 1 Premier League noong Linggo ng gabi sa Lisbon, Portugal.
Ipinagmalaki ng Fil-Japanese ang kanyang nakamit na gintong medalya sa nasabing torneo ng World Karate Federation (WKF). “Look at my first gold medal in the world calibre stage,” post ng 29-anyos na si Tsukii, gold medalist din noong 2019 Southeast Asian Games, sa kanyang Facebook account. “I would like to thank everyone who have supported me to this point. This medal is for you.”
Nauna nang sinibak ni Tsukii si two-time world champion Alexandra Recchia ng France, 2-0 sa semifinals para labanan si Zhangbyrbay sa finals.
Ito ang unang gold medal ni Tsukii sa world division na nagpatibay ng kanyang tsansang makakuha ng Olympic slot.
Ang top four karatekas sa buong mundo ang awtomatikong mabibigyan ng Olympic berth sa Tokyo.
Si Tsukii ay kasalukuyang nasa No. 10 sa buong mundo at No. 5 sa Asya.
Nakatakdang sumabak si Tsukii sa pinakahuling Olympic qualifying tournament sa Hunyo sa Paris, France kasama sina national teammates Jamie Lim at Joan Orbon.
Bukod kina Tsukii, Lim at Orbon, ang iba pang sasabak sa nasabing Olympic qualifier ay sina Ivan Agustin, Shariff Afif, Alwyn Batican at Jason Macaalay.
Sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam ay pare-parehong qualified na sa Olympics.
-
PBBM, sa mga direktang tinamaan ng bagyong Kristine: “dumating na ang tulong sa maraming lugar, paparating na ang tulong sa iba pa”
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pamilya at indibiduwal na naninirahan sa mga lugar na direktang tinamaan ng bagyong Kristine na dumating na ang tulong sa maraming lugar at paparating naman na ang tulong sa iba pa. Sa katunayan, inatasan ng Chief Executive ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na bilisan […]
-
BAGONG BASECO ESPLANADE BUBUKSAN
BUBUKSAN sa Maynila ang bagong “Baseco Esplanade” matapos ang tuloy-tuloy na total make over sa “Basura Beach” sa Maynila. Sinabi ni Manila Mayor Frqncisco “Isko Moreno” Domagoso ,ang dating bay na puno ng Basura sa Baseco ay malinis na ngayon at hindi na “eyesore”, gayundin ang coastal area nito. “Tulong-tulong po ang Department […]
-
Rep. Tiangco sa mga LGUs, suportahan ang EPAHP kontra gutom
HINIMOK ni Rep. Toby Tiangco ang mga local government units (LGUs) na patuloy na suportahan ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na wakasan ang gutom. “We want to encourage all LGUs to support the implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) and bolster the government’s efforts to fight hunger,” ani Tiangco. […]