• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Good luck’, wish ni PBBM sa mga Cambodia-bound SEAG athletes

“GOOD LUCK”

 

 

Ito ang wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  Cambodia SEAG-bound athletes at officials matapos pangunahan ang isinagawang formal send-off ceremony sa  Philippine International Convention Center sa Pasay, araw ng Lunes.

 

 

Naniniwala kasi ang Pangulo na  mahalagang suportahan ng lipunan ang sport o ang palakasan at dapat lamang na panatilihin.

 

 

Sa harap ng mga atleta na makikipaglaban sa  Southeast Asian Games (SEAG), sinabi ng Pangulo na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga Filipino ang pagkapanalo ng mga ito kung papalarin.

 

 

“That is why it has to be kept as a very, very important part of our support to our society. And beyond that, ang ating mga champion, ang ating mga nag-uuwi ng medalya at saka tropeo ay talaga namang nagdadala ng kasiyahan at naipagmamalaki ng buong madla na kami ay Pilipino. ‘Yang mga ‘yan Pilipino ‘yan, mga champion namin ‘yan at ‘yan ang siguro ang pinakamahalaga na dinadala — nagdadala kayo ng dangal sa Pilipinas,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Idinagdag pa nito na  “It’s good for your discipline. It’s good for your health. It’s good for your camaraderie. It’s good to mature young people.”

 

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumalo ang Pangulo sa  send-off event  simula nang manalo siya noong May 2022 presidential elections.

 

 

“It is my great, great pleasure to be able to be with you just very quickly. Pinilit kong makapunta rito dahil gusto kong makilala ‘yung mga champion,” aniya pa rin.

 

 

Nagpahayag naman ng kahandaan ang Pangulo na tulungan ang mga atleta at mga sports officials sa kahit na anumang paraan.

 

 

“If there is anything more that this government can do, that this administration can do, that I personally can do, you please make sure you will tell me because we are all rooting for you,” aniya pa rin.

 

 

“At huwag ninyong kakalimutan kapag talagang napagod na, nahirapan na, na-injure na nang kaunti, pakinggan niyo ulit ‘yung sigaw, maririnig niyo kami ‘yun, ‘yung mga kapwa niyo Pinoy, sinisigaw: Go! Go! Go! Go!,” aniya pa rin.

 

 

Tinatayang mahigit sa  800 Filipino athletes ang lalaban sa mahigit na  600 events sa 38 sports sa Cambodia SEAG mula  Mayo 5 hanggang 17.  (Daris Jose)

Other News
  • OCTA inaasahang bababa sa 2-K COVID-19 cases kada araw sa Nobyembre

    Maaring bumaba pa sa 2,000 ang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Nobyembre, ayon sa OCTA Research group.     Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang average ng bagong COVID-19 cases ay bumaba sa 4,848 mula Oktubre 20 hanggang 26.     Mas mababa ito kumpara sa […]

  • Credit card scam may bagong modus – BSP

    MULING nagbigay paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mag-ingat sa credit card scam makaraang matukoy ang mga panibagong modus ng mga scammers sa kanilang mga biktima.     Paalala ng BSP na i-check kung may mga palatandaan ng scam tulad ng tatawagan ka ng nagpapanggap na kinatawan ng credit card company at sasabihin […]

  • ‘Di nila pipigilan ni Vic kung ‘yun ang gusto ng anak: PAULEEN, magiging stage mother ‘pag tuluyan nang nag-artista si TALI

    SA presscon ng show nila sa NET25 na Love, Bosleng and Tali ay winika ni Bossing Vic Sotto na dapat daw siya lang ang kasama sa show nang pag-usapan nila ito ni Direk Chris Martinez.     Na-delay lang daw ang pagsisimula nito dahil sa pandemic pero nung mag-usap ni Direk Chris ay isama na […]