• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gov’t compensation para sa violent crime victims, itaas

NAIS  ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na taasan ng 5 beses ang reparations na maaaring makuha ng mga biktima ng bayolenteng krimen, kabilang ang rape survivors, mula sa gobyerno sa ilalim ng  special program ng Department of Justice (DOJ).

 

 

Sa House Bill No. 5029,  ang biktima o pamilya nito, ng bayolenteng krimen tulad ng rape at murder, ay maaaring makakuha ng hanggang  P50,000  bawat isa mula sa DOJ’s Board of Claims.

 

 

Aamyendahan nito ang 1992 na batas na Republic Act No. 7309 – na siyanh nagbuo sa Victims Compensation Program (VCP).

 

 

Sa ilalim ng 30 taong batas, mabibiyayaan ng  P10,000 bawat  “victim of violent crime” na maghahain ng  claim.

 

 

“The P10,000 top limit per claim has remained the same for the last three decades despite massive erosion due to rampant inflation,” pahayag ni Rillo.

 

 

Ang  VCP payments ay hiwalay o dagdag sa anumang re idamages na ia-award sa biktima ng criminal o civil action laban sa offender.

 

 

Batay sa  Philippine National Police statistics, nasa total na 5,177 rape cases ang iniulat sa buong bansa nitong nakalipas na  2022, 4,205 murder cases at 977 homicide cases.

 

 

Kasama rin sa babayaran ang mga biktima ng  enforced o involuntary disappearance sa ilalim ng Republic Act No. 10353.

 

 

Layon ng reparations na matulungan na makapag reimburse sa ginastos ng  claimants sa hospitalization, medical treatment, loss of wage, loss of support at iba pang gastos na direktang may kaugnayan sa kaso.

 

 

Isinusulong sa panukala na itaas sa P100,000 per year of incarceration ang maximum amount of compensation sa biktima ng  unjust imprisonment o arbitrary at illegal detention na maaaring i-claim mula sa VCP.

 

 

Nasa 12,000 na magsasaka ng tubo sa Nasugbu, Batangas na naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI), tutulungan ng kamara.

 

 

Ito ay matapos na mapakinggan ni Speaker Martin Romualdez ang hinaing ng mga magsasaka sa ginanap na pulong sa tanggapan ng speaker.

 

 

Nakaharap ni speaker ang mga sugarcane farm workers sa pangunguna nina Sugar Folks Unity for Genuine Agricultural Reform Spokesman Christian Bearo, Pagkakaisa ng mga Manggagawang Bukid sa Tubuhan o Pamatu Batangas First District President Nasiancino “Sonny” Roxas, at iba pa.

 

 

Batid at kinikilala ng speaker ang kahalagahan ng mga ginagampanang tungkulin ng mga magsasaka sa bansa.

 

 

Kailangan aniyang masiguro ang kanilang kapakanan upang matiyak ang ating food security.

 

 

Sinabi pa nito na nararapat lamang na mapabuti ang kalagayan ng ating mga magsasaka sa tubuhan upang mapanatili ang sapat na suplay ng asukal.

 

 

Pinasalamatan naman ng liderato ang ginagawang pagtatrabaho ng mga magsasaka. (Ara Romero)

Other News
  • Senator Tulfo binatikos DSWD sa — libu-libong contractual employees

    MARIING binatikos ni Sen. Raffy Tulfo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa libu-­libong social workers na hindi pa rin nare-regular kahit pa halos isang dekada nang nagtatrabaho sa ahensiya.     Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng DSWD, sinabi ni Sen. Tulfo na maraming kawani ng ahensiya ang magreretiro pero […]

  • 2 tulak timbog sa P 9 milyon shabu sa Valenzuela

    UMABOT sa mahigit P.9 milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug pushers na naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.       Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng […]

  • Mahigit sa 879,000 namatay, naitala para sa taong 2021

    ITINUTURING ng Commission on Population and Development (PopCom) na “deadliest” sa kasaysayan ng Pilipinas ang naitalang 879,000 filipinong namatay noong 2021.     Sinabi ni PopCom executive director,  Undersecretary Juan Antonio Perez III na ang kabuuang 879,429 na namatay na filipino ay batay sa ulat  ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon.     […]