Grab driver isinelda sa pangmomolestiya sa dalagita
- Published on March 16, 2023
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 25-anyos na Grab driver matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 17-anyos na dalagita sa Navotas City.
Sa ulat na natanggap ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente ng kahalayan sa tirahan ng dinakip na suspek sa Ablola St. Brgy. Tangos South habang mahimbing na natutulog ang biktimang itinago sa pangalang “Ligaya”.
Sa inisyal na imbestigasyon ni Pat. Jenelyn Kiblong ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), katabing natutulog ng biktima ang kanyang kasintahan sa loob ng nasabing bahay nang dumating ang suspek.
Dito, nagising ang dalagita nang maramdaman na may humihimas na kamay sa kanyang maselan parte ng katawan habang ang isa niyang kamay na naramdamang nasa kaselanan naman ng inakala niyang kasintahan.
Nang imulat niya ang kanyang mata, nagulat siya dahil hindi ang kamay ng kasintahan ang humihimas sa kanyang kaselanan habang nakalagay naman ang kanyang kamay sa loob ng short pants ng suspek.
Nagsumbong ang dalagita sa kanyang kasintahan at kanilang kinompronta ang suspek bago humingi ng tulong kina Carlos Pabriga at Efren Delos Reyes, kapwa Barangay Tanod ng Brgy. Tangos South na nagresulta sa pagkakadakip sa Grab driver.
Nasa kustodiya na ng Navotas Police WCPD ang suspek na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610. (Richard Mesa)
-
Pagtakbo bilang VP, oportunidad na palawakin ang naaabot ng serbisyo- Mayor Sara
SA kabila ng mahirap na desisyon ay pinakinggan at pinili pa rin ni Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte ang panawagan na magsilbi sa bansa. Matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para reelection noong Oktubre 2, patuloy pa rin ang panawagan ng kanyang supporters na tumakbo sa mas mataas […]
-
Jesus; Mark 4:39
Peace, be still.
-
APOSTOLIC NUNCIO, BUMISITA S AMANILA CITY HALL
BUMISITA kahapon si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa Manila City hall. Sa kanilang maikling pag-usap, pinuri ni Archbishop Brown si Mayor Isko Moreno dahil sa magadang nagawa nito sa Maynila . Nagpasalamat naman si Domagoso sa Apostolic Nuncio na sa tulong ng mga kapulisan at national government ay maayos […]